• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa Instagram, humingi ng tulong si Regine Velasquez mula sa kanyang mga tagahanga sa pag-report ng accounts na ginagamit ang pangalan ng kanyang anak.

Regine Velasquez, may pakiusap hinggil sa anak na si Nate

Sa Instagram, humingi ng tulong si Regine Velasquez mula sa kanyang mga tagahanga sa pag-report ng accounts na ginagamit ang pangalan ng kanyang anak.

Regine Velasquez, may pakiusap hinggil sa anak na si Nate-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/16/2021 09:51 AM
Regine Velasquez, may pakiusap hinggil sa anak na si Nate
Photo credits to @reginevalcasid on Instagram

May pakiusap ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez hinggil sa kanyang nag-iisang anak na si Nate.

Sa Instagram nitong Miyerkoles, Disyembre 15, humingi ng tulong ang Kapamilya singer mula sa kanyang mga tagahanga sa pag-report ng fan accounts na ginagamit ang pangalan ng kanyang anak. 

Ayon kay Regine, hindi umano sila komportable ng kanyang asawang si Ogie Alcasid na nakikitang kumakalat ang retrato ng kanilang anak sa social media.


"Hi guys makikiusap sana ako na kung may makita kayong mga account sa pangalan ni Nate please help me report them. Actually marami ng accounts ang ginawa for Nate sa Facebook sa IG na walang pahintulot namin. Alam ko naman na basta na post na ang pictures eh kahit sino pwede na gamitin 'yun. Pero hindi ibig sabihin nun na ok lang sa ‘kin o sa asawa ko," ani Regine.

Patuloy ni Regine, maaari umanong mag-post ang netizens ng picture ng kanilang anak, ngunit sana ay iwasan na ang paggawa ng social media accounts gamit ang pangalan ni Nate.

"Hindi ko na lang pinapansin yung ibang account kasi ang hirap din for us na hanapin pa lahat. You can post naman his pictures kasi nga like I said once ma-post hindi na talaga mapipigilan," aniya. "I guess hindi ako masyadong comfortable sa mga gumagawa ng accounts para sa kanya. Hindi naman siya artista kaya hindi ko talaga maatim itong mga accounts na ito."

Giit ni Regine, nais lamang niyang protektahan ang kanyang anak.

"So please please if you guys don’t mind stop na," aniya. "Itong TikTok account na ‘to ilang beses ko na ito ini-report and I’m going to keep reporting you or whoever na gagawa pa ng iba pang account para kay Nate.

"If you guys noticed I hardly post his pictures na kasi nga bininigyan na namin siya ng privacy. Again nakikiusap ako na pag may makita kayong account ni Nate please report and don’t follow na. God Bless."

Sa comments section ng kanyang post, maraming tagahanga ang nagpaabot ng kanilang suporta para kay Regine.

BASAHIN: Regine Velasquez, ipinaliwanag kung bakit hindi basta-bastang binibinigay ang mga gusto ng anak na si Nate

Si Nate, o Nathaniel James, ang nag-iisang anak nina Regine at Ogie na kilala bilang dalawa sa pinakamagagaling na mang-aawit sa Pilipinas.

Nito lamang Nobyembre ay ipinagdiwang ng dalawa ang ika-10 kaarawan ng kanilang anak. Nagdiwang din sila ng kanilang anibersaryo bilang magkasintahan.