• Home
  • Fresh Scoops
  • Narito ang ilang mga celebrities na nabalitang naghiwalay ngayong 2021.

Mga sikat na personalidad na nabalitang naghiwalay ngayong 2021 Part 3 | Pushpins

Narito ang ilang mga celebrities na nabalitang naghiwalay ngayong 2021.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/16/2021 10:12 AM
Mga sikat na personalidad na nabalitang naghiwalay ngayong 2021 Part 3 | Pushpins

Maraming mga artista ang nagpakasal, na-engage, at pumasok sa mga bagong relasyon ngayong 2021. 

Pero hindi rin mawawala ang hiwalayan ng ilang couples sa showbiz ngayong taon.

Sinu-sino sila?     


Let's find out.     

1.     Alodia Gosiengfiao & Wil Dasovich 

Tinapos na nina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao ang kanilang apat na taong relasyon noong November 2021. 

Sa naging pahayag ni Alodia sa kanyang Facebook account ay walang sinabing dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Wil. 

Kumalat ang balitang hiwalay na ang dalawa nang mapansin ng netizens na wala na ang mga litrato nilang dalawa sa Instagram page ni Alodia. 

Samantala, in-unfollow na rin ni Alodia si Wil sa Instagram habang naka-follow pa rin si Wil sa kanyang ex-girlfriend. 

February 2018 ng unang ianunsyo at isapubliko ng dalawa na sila ay magkarelasyon na. 

READ: Alodia Gosiengfiao confirms breakup with Wil Dasovich: ‘Some things are not meant to be’
  
2.     Janine Gutierrez & Rayver Cruz 

Ayon sa interview ng ABS-CBN News sa isang reliable source ay kinumpirma nitong October 2021 naghiwalay sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz. 

Ayon dito ay walang third party involved sa naging hiwalayan ng dalawa. 

Dagdag pa ng source, nawalan umano ng oras sina Janine at Rayver sa isa't isa dahil sa kanilang busy schedules at mga locked-in tapings. 

June 2017 nang unang umamin si Rayver na nililigawan niya si Janine. 

Samantala, apat na taon din naging magkarelasyon sina Janine at Rayver bago kumpirmahin na hiwalay na sila. 

READ: Rayver Cruz at Janine Gutierrez, kinumpirma ng source na hiwalay na

3.     AJ Raval & Axel Torres 

Nauwi rin sa hiwalayan ngayong taon ang relasyon nina AJ Raval at Axel Torres na kinumpirma ng aktres noong August 2021. 

Sa panayam kay AJ ay sinabi nitong marami silang naging problema ni Axel sa kanilang mga career kaya sila naghiwalay. 

Ayon pa kay AJ, hindi rin umano nagustuhan ni Axel ang pagpapa-sexy nito sa mga pelikulang ginagawa. 

Samantala, September ngayong taon sana ipagdiriwang nina AJ at Axel ang kanilang second anniversary bilang magkasintahan. 

May 2021 lamang nang ianunsyo at isapubliko ni AJ na magkarelasyon sila ni Axel. 

READ: AJ Raval hiwalay na sa BF na ex-PBB housemate na si Axel Torres

Kaninong hiwalayan ang hindi niyo inasahan?