• Home
  • Fresh Scoops
  • Narito ang ilang mga personalidad na nabalitang naghiwalay ngayong taon.

Mga sikat na personalidad na nabalitang naghiwalay ngayong 2021 Part 1 | Pushpins

Narito ang ilang mga personalidad na nabalitang naghiwalay ngayong taon.

BY
Push Mina

FRESH SCOOPS

12/16/2021 08:54 AM
Mga sikat na personalidad na nabalitang naghiwalay ngayong 2021 Part 1 | Pushpins

Maraming mga artista ang nagpakasal, na-engage, at pumasok sa mga bagong relasyon ngayong 2021. 

Pero hindi rin mawawala ang hiwalayan ng ilang couples sa showbiz ngayong taon. 

Sinu-sino sila?     


Let's find out

 

1. Kylie Padilla & Aljur Abrenica 

July 2021 ng ibinunyag ng ama ni Kylie Padilla na hiwalay na ito sa asawang si Aljur Abrenica. 

After this, Kylie released an official statement confirming her split with Aljur. 

Sa inilabas na pahayag ay sinabi ni Kylie na they are working on a healthy co-parenting relationship. 

Ikinasal sina Kylie at Aljur noong December 2018 at nagkaroon ng dalawang anak na sina Alas at Axl. 

READ: Kylie Padilla releases statement about her separation from Aljur Abrenica: ‘All we need now is respect’

 

2. Rabiya Mateo & Neil Salvacion 

Pitong taon na magkarelasyon sina Rabiya Mateo at Neil Salvacion bago sila maghiwalay ngayong taon. 

Sa isang Instagram story ay kinumpirma ni Neil na sila ay hiwalay na ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya. 

Sa post ay sinabi ni Neil na parehas silang moving forward at masaya sa kani-kanilang buhay. 

Bago ang naging kumpirmasyon ni Neil ay sinabi na ni Rabiya sa kanyang interview na complicated ang sitwasyon ng kanyang love life noon. 

READ: ‘We’re not together anymore’: Neil Salvacion at Rabiya Mateo, hiwalay na

 

3.     Devon Seron & Kiko Estrada 

Sa Magandang Buhay guesting ni Kiko Estrada noong April 2021 ay kinumpirma nito na siya ay single. 

Dahil dito ay natapos na ang mga spekulasyon at nakumpirma na hiwalay na sila ni Devon Seron. 

Sa hiwalay na panayam ay ibinahagi ni Kiko na February 14, 2021 sila naghiwalay ni Devon. 

Mahigit dalawang taon na naging magkarelasyon sina Kiko at Devon. 

WATCH: Kiko Estrada, single at walang girlfriend ngayon | PUSH Daily

 

4.     Beatrice Luigi Gomez & Kate Jagdon 

Ilang linggo matapos ang mga spekulasyon ay kinumpirma ni Kate Jagdon na hiwalay na sila ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez. 

Sa Instagram story ni Kate noong November ay sinabi nito na, "Bea and I have parted ways. I am simply taking this step to move forward and go on with my life." 

Bago pa manalo ng korono si Beatrice ay bukas na ito sa publiko tungkol sa relasyon niya kay Kate at sa pagiging miyembro nito ng LGBTQ+ community. 

Tumagal ng anim na taon ang relasyon nina Beatrice at Kate bago maghiwalay ngayong taon. 

READ: Miss Universe PH Beatrice Luigi Gomez, DJ girlfriend breakup

See more of these couples in this first part of Pushpins.  

Kaninong hiwalayan ang hindi niyo inasahan?