• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang kakaibang pagsalubong ang ibinigay kay Beatrice Luigi Gomez ng mga kabaro niya sa Philippine Navy.

Beatrice Luigi Gomez, balik Pilipinas na

Isang kakaibang pagsalubong ang ibinigay kay Beatrice Luigi Gomez ng mga kabaro niya sa Philippine Navy.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/16/2021 08:11 AM
Beatrice Luigi Gomez, balik Pilipinas na
Photo credits to @MissUniverse Philippines on on Facebook

Fresh from Eilat, Israel, balik-Pilipinas na noong gabi ng December 15 si Miss Universe Top 5 finalist na si Beatrice Luigi Gomez.

Sa pagbabalik ni Beatrice sa Pilipinas, sinalubong siya ng Philippine Navy battalion na nag-alay sa kaniya ng bulaklak at pagsaludo mula sa mga kabaro sa Navy. Isang Navy reservist ang Pinay beauty queen.

Sa uploaded photos ng Miss Universe Philippines, makikita ang ilang eksena sa naging pagbabalik ni Beatrice.


December 12 (December 13 PH time) nang kinoronahan si Harnaaz Sandhu ng India bilang Miss Universe sa ika-70th edition ng beauty pageant.

Hindi man pinalad na maiuwi ang ika-limang Miss Universe title, proud ang maraming pageant fans sa naging top 5 placing ni Beatrice na isa lamang patunay na nanatiling malakas ang laban ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

2018 nang huling nasungkit ni Catriona Gray ang Miss Universe title sa Bangkok, Thailand na pang-apat na title para sa Pilipinas.

Sa ngayon, inaasahan ang kabi-kabilang media gatherings na posibleng daluhan ng Pinay beauty.