• Home
  • Fresh Scoops
  • Nilabas na ng Dreamscape Entertainment ang full trailer ng ‘The Broken Marriage Vow.’

Netizens, puring-puri sa trailer ng ‘The Broken Marriage Vow’; sinabayan ang gigil ni Jodi Sta. Maria

Nilabas na ng Dreamscape Entertainment ang full trailer ng ‘The Broken Marriage Vow.’

Netizens, puring-puri sa trailer ng ‘The Broken Marriage Vow’; sinabayan ang gigil ni Jodi Sta. Maria-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/15/2021 02:57 PM
Netizens, puring-puri sa trailer ng ‘The Broken Marriage Vow’; sinabayan ang gigil ni Jodi Sta. Maria
Screenshot from Official Full Trailer | The Broken Marriage Vow

Gigil na gigil ang mga netizens sa mga kaganapan sa The Broken Marriage Vow na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria. 

Nilabas na ng Dreamscape Entertainment ang full trailer ng inaabangang Philippine adaptation ng Doctor Forster na The Broken Marriage Vow, nitong Miyerkoles, ika-15 ng Disyembre.


Kasabay ng paglabas ng trailer para sa inaabangan serye ng ABS-CBN ang panggigil ng mga netizens sa ipinasilip na mga eksena kung saan makikita na agad ang mga panloloko ni Zanjoe Marudo. 

Panoorin ang trailer sa ibaba: 

Kaya naman binuhos ng mga netizens ang kanilang saloobin tungkol sa serye sa social media.

“Sh***mga bff. HAHAHAHAHA. Ang palaban nung trailer nung The Broken Marriage Vow. Like grabe pot***a Wala akong masabi,” sey ng isang netizen.

“MAPAPAMURA KA SA FULL TRAILER NG THE BROKEN MARRIAGE VOW!! NAKAKAKILABOT ANG HUSAY NILA,” saad ng isa pang netizen.  

May ilan namang hindi makapaniwala sa kanilang napanood at pinuri ang Kapamilya network sa paggawa ng isa na namang dekalibreng serye. 

“Grabeee naninindig ang balahibo ko while watching the trailer. Gagaling nilang lahat. Excited na ako mapanood to gabi gabi,” saad ng isang netizen. 

“Waiiiit nag goosebumps akoooo promise ang galiiiiiiing wow wow wow. Trailer pa lang yan huh I can't wait this promise AABANGAN ko to to be honest para na din akong nanood ng Kdrama. kudos sa director sa lahat lahat APAKAHUSAY,” sey pa ng isang netizen. 

Sa nasabing trailer, lumabas din ang iba pang karakter na dapat abangan kabilang na sina Sue Ramirez, Angeli Abayani, Zaijian Jaranilla, Bianca Manalo, Empress Schuck, Ketchup Eusebio, Rachel Alejandro, Art Acuña, Jane Oineza, at Susan Africa.

Mapapanood ang The Broken Marriage Vow sa susunod na taon sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z Channel 11, TV5, at iWant TFC.