• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ng aktor na si Paolo Gumabao ang hindi niya malilimutang experience sa set ng primetime serye ng ABS-CBN na “Huwag Kang Mangamba.’

Paolo Gumabao, tinuruan mag-drive ni Eula Valdes

Ibinahagi ng aktor na si Paolo Gumabao ang hindi niya malilimutang experience sa set ng primetime serye ng ABS-CBN na “Huwag Kang Mangamba.’

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/14/2021 11:23 AM
Paolo Gumabao, tinuruan mag-drive ni Eula Valdes
Photo credits to @paologumabao on Instagram

Ibinahagi ng aktor na si Paolo Gumabao ang hindi niya malilimutang experience sa set ng primetime serye ng ABS-CBN na Huwag Kang Mangamba.

Ayon kay Paolo, ito ay noong tinuruan siyang magmaneho ng beteranang aktres na si Eula Valdes para sa isang eksena. 

"Sinabihan nila ako na I have to drive. Eh ako naman, I know how to drive. Pero pagdating ko doon sa set, it turns out, 'yung kotse na gagamitin nung character ko, na pang-drive sa amin ni Eula Valdes ay manual. Eh hindi ako masyadong sanay, hindi ako marunong mag-manual," pagbabahagi ng aktor sa podcast na PUSH Bets Live.

"So tinuruan po ako ni Miss Eula Valdes...on the spot kung paano mag-drive ng manual. And awa naman ng Diyos, nagawa ko naman," patuloy niya. "Isa 'yun sa pinaka-memorable sa akin kasi nakakatawa, eh. 'Di ko alam na manual pala 'yung sasakyan. Pagdating ko doon, wala akong alam tapos si Miss Eula pa 'yung nagturo sa akin."

Sa podcast, nagkwento rin si Paolo tungkol sa kanyang pagkapanalo bilang best actor sa ika-28 Annual Filipino International Cinefestival para sa pelikulang Lockdown.

"Well, I was really excited and hindi siya masyado pang nag-sink in sa akin nung time na 'yun. Parang, wait lang, legit ba 'to? Totoo ba 'to?" pag-amin ni Paolo. "I was actually laying down on bed nung nalaman ko tapos napatayo talaga ako, tumalon talon talaga ako. Then I went out, straight to my mom, and I told her na nanalo nga ako ng best actor. Pati siya hindi rin siya makapaniwala. But she was really happy and nakita ko 'yung tuwa sa mukha niya. Isa 'yun sa bagay na nakakataba talaga ng puso, 'pag nakikita mo 'yung mom mo or 'yung dad mo na they're genuinely happy for you. Na okay 'yung takbo ng career mo, na naa-appreciate nila 'yung ginagawa mo."

Sa Lockdown, gumanap si Paolo bilang isang OFW na napilitang maging cybersex performer matapos na matanggal sa trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa aktor, talagang pinaghandaan niya ang kanyang role para sa Lockdown na pinangunahan ng multi-awarded director na si Joel Lamangan.

"I read the script over and over because kay direk Joel kasi, alam ng mga artista na ayaw na ayaw [niya] na hindi memoryado ang mga linya. So nag-extra, extra, extra effort ako na ma-memorize ko talaga to the point na para ko siyang kayang kantahin," ani Paulo.

Ngunit pagdating as kanyang daring scenes, "Hindi ko na siya masyadong pinaghandaan. Spontaneous kasi talaga 'yung mga ganung klaseng eksena eh. I mean, how do you really prepare for a love scene? I don't think there's something you can do to prepare more, rather than just go to the set and be ready for anything na ipapagawa sa 'yo ng direktor. So dumating ako sa set, I was ready for anything."

BASAHIN: Paolo Gumabao on doing daring roles: ‘I’m being pushed outside of my comfort zone’

Sa PUSH Bets Live podcast ay nagkwento rin si Paulo tungkol sa kanyang kapatid na si Marco Gumabao at ang kanyang bagong pelikula kasama ang award-winning filmmaker na si Brillante Mendoza. Ibinahagi rin niya ang kanyang future plans bilang aktor.

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na hinu-host ni Gary Ann Lastrilla at fini-feature ang pinakamalalaking stars sa bansa. Mapapanood ito sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

Maliban sa PUSH Bets Live, may dalawa pang segments ang PUSH —PUSH Most Wanted at PUSH Extra Scoop—ang mayroon ding kanya-kanyang podcast versions. Mapapakinggan naman ito sa Spotify, Apple Music, at iba pang streaming platforms.