• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagdiwang kamakailan ni Kiray Celis at ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang magkasintahan.

Kiray Celis at boyfriend, ipinagdiwang ang kanilang anibersaryo

Ipinagdiwang kamakailan ni Kiray Celis at ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang magkasintahan.

Kiray Celis at boyfriend, ipinagdiwang ang kanilang anibersaryo-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/14/2021 02:04 PM
Kiray Celis at boyfriend, ipinagdiwang ang kanilang anibersaryo
Photo credits to @kiraycelis on Instagram

Ipinagdiwang kamakailan ni Kiray Celis at ng kanyang boyfriend na si Stephan Estopia ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang magkasintahan.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang kanyang simple pero matamis na pagbati para sa nobyo.

"Bago matapos itong araw nato, gusto kitang batiin ng Happy happy happy 2nd anniversary @stephan.estopia. Maraming salamat sa pagmamahal, respeto, katapatan, tiwala, suporta, at pag-aaruga. Mahal na mahal kita!" aniya.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Samantala, nag-post din si Stephan ng kanyang matamis na mensahe para kay Kiray.

"Happy anniversary mommy! I love you very very much!" aniya. "Thank you mommy sapagsuporta mo lagi sakin at pagmamahal. Ikaw ang pinaka-the best mommy! Wala na akong hihilingin pa.

"Habang buhay kitang mamahalin asawa ko mahal na mahal kita!"

Taong 2019 nang isinapubliko ni Kiray, na unang nakilala bilang cast member ng Goin'Bulilit, ang kanyang relasyon kay Stephan, na isang gaming video creator o streamer.

Ayon kay Kiray, parehas silang heartbroken ng kanyang nobyo noong una silang nagkakilala.

“Ako pinagpalit, siya niloko nang paulit-ulit," aniya. "Mga taong binuhos lahat, eh natapat sa mga taong hindi marunong makuntento at kahit anong gawin mo, hindi ka sapat. Na kahit kailan hindi ka magiging tama sa kanila. Kasi hahapin nila lahat ng kulang mo sa iba.

"At dahil bilog ang mundo, pagkatapos naming masaktan at umiyak sa mga maling tao,yun pala yung tamang panahon para makilala mo yung taong swak para sa ‘yo."

‘Ako pinagpalit, siya niloko ng paulit ulit’: Kiray Celis recalls meeting boyfriend for the first time

Sa panayam ng PUSH, ipinagmalaki ni Kiray ang kanyang boyfriend bilang mabait at marespeto sa kanyang pamilya.

“Super mabait siya. Sobrang marespeto, lalo na family-oriented ako, so sobrang nirerespeto niya ang magulang ko at ang mga kapatid ko. Kapag hindi puwede sa parents ko kahit gusto namin hindi namin gagawin or hindi namin pupuntahan. Ganun niya nirerespeto ang desisyon ng pamilya ko," aniya.

"Mabait siya. Magalang. Napakalambing. Mas nauuna pa nga siyang umiiyak pag nag-aaway kami, eh. Ako yung moody, ako yung masama sa aming dalawa."

Ayon sa aktres, kahit pa ilang taon pa lang silang nagde-date ni Stephan ay umaasa siyang mauuwi rin sa kasalan ang kanilang pag-iibigan.

"Kasi ako naman talaga yung type ng tao na… 'di ba kahit naman yung first boyfriendko sinasabi ko naman sa inyo nayon na talaga yung gusto ko. Parang never naman tayong nag-dream na… gusto natin kung sino yung kasama natin sa buhay ay makasama na natin forever," aniya.

Paliwanag pa niya: “Ayokong kasi ng paiba-iba. Ayokong naririnig yung sarili ko na, ‘Ex yan ni Kiray,’ alam mo yon, parang ang hirap kaya na mag-start ulit sa panibagong tao. Kikilalanin mo kung ano yung gusto niya, aalamin mo kung ano yung ayaw niya, tatanggapin mo kung sino siya—ang hirap. Parang bagong tao na naman, bagong pagsubok, kikilalanin ang pamilya, mga kaibigan."

“Ang hirap kaya ng ganun, parang from the scratch ka ulit. Parang kang baby na nagko-crawl, na natututo ulit maglakad, magsalita, parang ganun. Ayoko ng ganung experience."

Kiray Celis professes love for boyfriend on his birthday

Noong Setyembre, nag-viral ang magkasintahan matapos na ipa-tattoo ni Stephan ang mukha ni Kiray sa kanyang dibdib.

Muli silang pinag-usapan ng netizens nang binigyan ni Stephan ang aktres ng mamahaling sandals at brand new cellphone bilang maagang pamasko.