• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsalita na si Karen Bordador tungkol sa kanyang viral tweet.

Karen Bordador, nilinaw ang viral tweet

Nagsalita na si Karen Bordador tungkol sa kanyang viral tweet.

Karen Bordador, nilinaw ang viral tweet-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/14/2021 09:53 PM
Karen Bordador, nilinaw ang viral tweet
Photo credit to @karen_bordador Instagram

Nagsalita ang dating Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate na si Karen Bordador tungkol sa kanyang tweet na nag-viral kamakailan.

Matatandaang naglabas ng tweet si Karen kung saan sinabi niyang: “‘Yung sinabi mo sa mundo na taken ka … tapos ‘pag labas sa bahay ni Kuya, single ka na pala.” 


Maraming spekulasyon ang lumabas kaugnay sa tweet ni Karen at may ilan pang nagsabi na si TJ Valderrama ang pinatutungkulan nito. 

Matatandaang sinabi ni Cherry Malaya na ex-girlfriend ni TJ na gusto na niyang tuldukan ang kanilang relasyon. 

READ: Karen Bordador, naging emosyonal nang balikan ang pagkakakulong noon

Kasunod ito nang iba’t-ibang kontrobersiya na lumabas kaugnay sa pagiging close ni TJ sa kapwa housemate na si Shanaia Gomez. 

Nagkaroon din ng mga paratang na harrassment kay TJ mula sa outside world dahil sa closeness nila ni Shanaia. 

Kaya naman nilinaw ni Karen ang kanyang tweet.

“To be clear everyone my tweet wasn't about TJ!!! That was for meeee!” ani Karen. 

“Oh ayan... yes that was me. Pumasok na taken... lumabas single na walang kamalay malay. Wahahahaha Tatawanan ko na lang ok,” saad pa ni Karen. 

 

 

Paglilinaw pa niya: “Again I'll NEVER tweet about others unless names are mentioned.”