• Home
  • Fresh Scoops
  • Magse-celebrate din ng kanyang 35th showbiz anniversary si Aiko Melendez.

Gelli de Belen, Ruffa Gutierrez, at Carmina Villarroel nag-ambagan para sa birthday ni Aiko Melendez

Magse-celebrate din ng kanyang 35th showbiz anniversary si Aiko Melendez.

Gelli de Belen, Ruffa Gutierrez, at Carmina Villarroel nag-ambagan para sa birthday ni Aiko Melendez-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/14/2021 06:21 PM
Gelli de Belen, Ruffa Gutierrez, at Carmina Villarroel nag-ambagan para sa birthday ni Aiko Melendez
Photo credit to @gellidebelen, @iloveruffag, @mina_villarroel and @aikomelendez Instagram

Kaarawan ni Aiko Melendez sa December 16, Huwebes. Kasabay ng kanyang birthday ay ang pagdiriwang din ng ika-35th showbiz anniversary niya kaya nag-decide siyang gawing kakaiba ang dalawang mahalagang selebrasyon sa kanyang buhay.

“Magpe-Facebook live lang ako sa birthday ko. Magpapa-raffle ako para magpasalamat sa mga taong sumusuporta sa career ko,” kuwento ni Aiko sa PUSH.

Ayon pa sa aktres, naghanda siya ng mga papremyo tulad ng 42-inch TV bukod pa sa iba pang mga appliances.


Ilan sa mga donors na pinasalamatan ni Aiko para sa kanyang birthday event ay ang kaibigan sa showbiz na sina Gelli de Belen, Ogie Diaz, Carmina Villarroel, at Ruffa Gutierrez.

“Nag-pledge sila ng support sa akin, yung mga kasabayan ko. Na kahit hindi sila makababa, they’re willing to do the online thing with me. Nagpapasalamat ako sa kanila, kasi, hindi nila ako pinapabayaan talaga,” sambit ni Aiko.

READ: Ruffa Gutierrez recalls beauty queen moment with Hollywood actress and singer Vanessa Wiliams

Kasabay ng kaarawan at anibersaryo sa showbiz ni Aiko ay nagdesisyon din ang aktres na kumalas na sa kanyang manager na si Arnold Vegafria. Bakit nga ba siya nag-decide na i-manage na lang ang sarili?

“Actually kasi Kuya Leo, busy ang manager ko sa mga ganap niya, busy din ako kaya nag-decide ako na i-manage na lang muna ang sarili ko for now but eventually naghahanap din talaga ako ng manager who can manage me,” katwiran ni Aiko.

“Meron naman akong RM (road manager) para makipag-negotiate at i-check yung mga inquiries ko. Tapos ako na lang bale yung final say. Lahat ng inquiries diretso na muna sa akin para wala na rin kaming tampuhan also (ng dati kong manager),” sabi pa ni Aiko.

Idinagdag din ng aktres na may kinalaman ang “conflict of interest” sa desisyon niyang kumalas sa dating management team though hindi na lang siya nag-elaborate pa tungkol dito.

READ: Aiko Melendez shares heartwarming story about son Andre Yllana and his first salary

Bukod sa ALV Entertainment (Arnold Vegafria) ay tatlo na ang naging manager ni Aiko. Ang unang humawak at naka-discover sa kanya ay si Douglas Quijano. But when Tito Dougs died ay hinawakan naman siya ni Wyngard Tracy na namatay din kinalaunan. 

Naging manager din ni Aiko si Boy Abunda for a time bago siya minanage ni Arnold Vegafria na ayon sa aktres ay nananatili pa rin namang kaibigan niya kahit pa naghiwalay  sila ng landas.

Anyway, kasama nga pala si Aiko sa trilogy movie ng 2021 Metro Manila Film Festival movie na Huwag Kang Lalabas kung saan kasama din sa cast sina Elizabeth Oropesa, James Blanco, Joaquin Domagoso, at Kim Chiu.