• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Brenda Mage na pang-Oscars umano ang aktingan nina Alexa Ilacad at Eian Rances.

Brenda Mage, may patutsada kina Alexa Ilacad at Eian Rances: ‘Kakasuka’

Sinabi ni Brenda Mage na pang-Oscars umano ang aktingan nina Alexa Ilacad at Eian Rances.

 Brenda Mage, may patutsada kina Alexa Ilacad at Eian Rances: ‘Kakasuka’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/14/2021 04:08 PM
 Brenda Mage, may patutsada kina Alexa Ilacad at Eian Rances: ‘Kakasuka’

Usap-usapan ngayon sa social media ang episode ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 nitong Lunes, ika-13 ng Disyembre, kasunod ng mga naging patutsada ni Brenda Mage kay Eian Rances. 

Bago ang naganap na episode, kinompronta pa ni Brenda si Eian sa kwarto nila at inaming nagseselos siya sa nabuong pagkakaibigan ng huli kay Alexa. 


Matatandaang mas naging close sina Eian at Alexa nitong mga nakaraang araw samantalang kabaliktaran naman nito ang nangyari sa pagitan nina Eian at Brenda.

Boyfriend ni Brenda Mage, nagseselos kay Eian Rances; tinawag itong ‘bakla’

Ngunit sa naganap na date sa pagitan ng mga housemates na sina Jordan Andrews at Madam Inutz at Alexa at Eian na binuo ng kanilang mga kapwa housemates na sina Alyssa Valdez at Samantha Bernardo, hindi naiwasang maglabas ng saloobin ni Brenda tungkol dito.

“I see werewolves dancing,” ani Brenda habang pinapanood ang dalawa na sumasayaw. Nang tanungin ni Samantha si Brenda kung gusto nitong isara ang pintuan, sey nito: “Yeah. Kakasuka.”

“Ang daming negative na sinabi si Eian against Alexa, and Alexa ang daming sinabi… And then in just one click, nag ganoon sila. Oh my God, ang galing mag-switch. Congratulations! Dinaig ang Urian awards, ang MMFF,” saad ni Brenda sa pag-uusap nila nina Alyssa at Samantha.

“Oscars ang aktingan! Grabe, gusto ko itanong kung saan sila nag-wo-workshop sa galing nila umarte,” dagdag pa nito. 

Nagkaroon din ng masinsinang pag-uusap sa pagitan nina Eian at Brenda. Dito, inamin ng komedyante ang kaniyang nararamdaman para kay Eian.

Alexa Ilacad sa pag-walkout ni Eian Rances: ‘Ang bastos kausap’

Sina Samantha at Alyssa din ang nag-organisa ng nasabing “blind date” upang matulungan ang dalawa na ayusin ang kanilang gusot. 

Samantala, kasama naman sa mga nominado ngayong linggo sina Brenda at Eian.