Yamyam Gucong, magiging isang tatay na

Magiging isang ganap na ama na si Yamyam Gucong.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/13/2021 05:49 PM
Yamyam Gucong, magiging isang tatay na
Photo credit to @gucongyamyam Instagram

Maraming dahilan si Yamyam Gucong upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan ngayong taon. Isa na rito ang kanyang pagiging ama. 

Sa isang TikTok video, ipinasilip ng Pinoy Big Brother: Otso big winner ang baby bump ng kanyang fiancée na si Elaine Toradio. 


Sinabay ni Yamyam ang anunsiyo sa pagdiriwang ng kanyang ika-28 na kaarawan. 

“I don’t need more money, I need happiness that wash all my sadness happy birthday to me,” ani Yamyam. 

Maraming netizens naman ang bumati kay Yamyam at sa kanyang fiancée para sa panibagong yugto na kanilang tatahakin sa kanilang buhay. 

Oktubre nitong taon nang ma-engage si Yamyam sa kanyang partner. Naging usap-usapan din ang kanyang engagement matapos nitong mag-propose sa mismong lugar kung saan niya binili ang singsing. 

READ: Yamyam Gucong buys lot and car for his family

“Alam kung immune kana sa mga surprises ko sayo dati at gusto kung maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng ‘papayag kaba na maging asawa ko?’”

Taong 2013 nang magkakilala sina Yamyam at Elaine. Una nang ibinahagi ni Yamyam na nagkakilala sila sa isang evacuation center. 

2019 naman nang unang makilala si Yamyam matapos itong mapanood sa reality show na Pinoy Big Brother: Otso.

Siya din ang tinanghal na big winner noong edisyong iyon.