• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Darren Espanto ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng kanyang matalik na kaibigan na si AC Bonifacio.

Darren Espanto, may mensahe para sa kaarawan ni AC Bonifacio

Ibinahagi ni Darren Espanto ang kanyang mensahe para sa kaarawan ng kanyang matalik na kaibigan na si AC Bonifacio.

Darren Espanto, may mensahe para sa kaarawan ni AC Bonifacio-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/13/2021 01:43 PM
Darren Espanto, may mensahe para sa kaarawan ni AC Bonifacio
Photo credits to @darrenespanto Instagram

Ibinahagi ni Darren Espanto ang kanyang espeyal na mensahe para sa kaarawan ng kanyang matalik na kaibigan na si AC Bonifacio.

Sa Instagram nitong Lunes, December 13, nag-post si Darren ng ilang retrato kasama si AC kasabay ng kanyang pagbati para sa Star Magic artist.

"HAPPY BIRTHDAY BES! Thank you for being my shoulder to cry on (literally). Kahit parati tayong nag-aasaran, I’m so grateful na may kaibigan akong tulad mo (WAW…pa-wire transfer nalang ng bayad mo ha?) I wish you genuine happiness. Take things easy, aight? Andito lang ako parati. Labyu, Bes!" aniya.
 


 

Sa kanyang reply, sinabi ni AC: "BESTIES FOREVER. THANK YOU DAR. Andito tayo para sa isa't isa."

Sa Magandang Buhay noong 2018, ikinwento nina Darren at AC, na parehong lumaki sa Canada, kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

"The first time we met, nasa Dance Kids pa po siya, tapos nag-guest kami ni ate Morissette (Amon) sa Dance Kids. Tapos pareho kaming taga-Canada so we talked there. Parang naka-relate lang kami sa isa't isa since pareho kaming taga-Canada," kwento ni Darren.

"Siya 'yung English buddy ko doon," dagdag ni AC.

BASAHIN: Lauren Dyogi reveals plans to make AC Bonifacio an international star: ‘She’s really destined to be a big star’

Ayon kay AC, sa mahigit anim na taong pagkakaibigan nila ni Darren ay kabisado na nila ang isa't isa.

"I think we've been there for each other through most of our problems, and our happiness, and everything. I can say I think I know Darren after six years. Hindi ko alam sa kanya, pero I think I know him well enough po," ani AC.

Nang matanong naman kung minsan bang nagkagusto sila sa isa't isa, iginiit pareho nina Darren at AC na mabuting magkaibigan lamang sila. 

"I think madami pong nagshi-ship po sa amin pero kami po ni Darren we have an agreement. Ano po kasi kami ni Darren... We help each other... Parang magkapatid na po kami eh. He's like a brother, an older brother that I didn't have po," paliwanag ni AC.

"Hindi po talaga. AC and I po talaga are just, you know, really good friends. We get each other po, eh, and it never crossed our minds na parang paano kung naging tayo? Kasi our friendship, our relationship isn't like that po talaga," sagot naman ni Darren.

Pagbabahagi pa ni Darren, malaki ang pasasalamat niya na lagi lamang silang nandyan ni AC para sa isa't isa. 

"We are just so thankful to have each other's back all the time," aniya.

Tingnan ang ilan pang friendship photos nina Darren at AC dito: