Beatrice Gomez advances to Top 5 at 70th Miss Universe pageant

Hindi nagpahuli sa Top 5 ang Miss Philippines

Beatrice Gomez advances to Top 5 at 70th Miss Universe pageant-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/13/2021 10:32 AM
Beatrice Gomez advances to Top 5 at 70th Miss Universe pageant

Umariba sa performance ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa 70th edition ng Miss Universe sa Eilat, Israel.

Suot ang kaniyang golden pintados-inspired Francis Libiran creation, umangat ang ganda ni Beatrice sa Miss Universe stage.

From top 16 to top 5, hindi naawat ang performance ni Philippines na isa sa mga paborito sa competition.


Kasama ni Philippines sina Miss India, Miss South Africa, Miss Paraguay, at Miss Colombia sa top 5.

From top 5, down to top 3 ang kukunin bago kilalanin ang susunod na Miss Universe. 

Si Andrea Meza ng Mexico ang reigning Miss Universe at kung papalarin si Beatrice Gomez ang magiging ika-limang Pinay beauty na makakapag uwi muli ng korona sa Miss Universe na huling nasungkit ni Catriona Gray noong 2018 sa Bangkok, Thailand.