• Home
  • Fresh Scoops
  • Ninomina ni Alexa Ilacad si Brenda Mage dahil nalaman nito na palagi siyang kinukutya ng komedyanteng housemate.

Alexa Ilacad, diretsahang kinausap si Brenda Mage: ‘Mukhang tanga at desperada?’

Ninomina ni Alexa Ilacad si Brenda Mage dahil nalaman nito na palagi siyang kinukutya ng komedyanteng housemate.

Alexa Ilacad, diretsahang kinausap si Brenda Mage: ‘Mukhang tanga at desperada?’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/13/2021 04:55 PM
Alexa Ilacad, diretsahang kinausap si Brenda Mage: ‘Mukhang tanga at desperada?’

Sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10, matapang na hinarap ni Alexa Ilacad ang kanyang kapwa housemate na si Brenda Mage kaugnay sa mga panglilibak nito sa kanya sa loob ng bahay ni Kuya. 

Hindi maitatanggi ang pagsasalita ni Brenda ng patalikod kay Alexa.


Ito ang isa sa dahilan kung bakit maraming mga tagahanga ni Brenda ang may ayaw kay Alexa.

Kaya naman sa naganap na nominasyon kamakailan, binigyan ni Alexa si Brenda ng isang punto dahil napag-alaman umano nito ang mga sinasabi nang komedyante tungkol sa kanya. 

READ: Boyfriend ni Brenda Mage, nagseselos kay Eian Rances; tinawag itong ‘bakla’

Ilan sa mga salitang ibinato kay Alexa na nasaktan siya ang pagtawag sa kanya ng “tanga” at “desperada.” 

“Nalaman ko recently na ako pala palagi ang topic ng usapan nila at na natatawag na niya akong mukhang tanga at desperada,” diretsahang pagsabi ni Alexa kay Brenda. 

Bago ito, nagkausap pa ang dalawa sa ika-57 araw nang pananatili nila sa loob bahay ni Kuya tungkol sa nararamdaman ni Alexa kay Eian Rances.

READ: Alexa Ilacad sa pag-walkout ni Eian Rances: ‘Ang bastos kausap’

Pinabulaanan ni Alexa ang paratang sa kanya ni Eian na naghahanap lamang siya ng ka-love team sa loob ng bahay ni Kuya. 

Sinabi din ni Alexa na totoo ang naramdaman niya para kay Eian ngunit ngayon ay natutunan na umano niyang i-let go ang kanyang nararamdaman para rito.  

Samantala, nagbigay naman ng payo si Brenda kay Alexa at sinabing huwag umanong magpaka-haggard para sa kagaya ni Eian.