• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ni Pia Wurtzbach ang kanyang pinagdaanan nang koronahan siya bilang Miss Universe.

Pia Wurtzbach, inaming sinasaktan ang sarili at naging anorexic nang maging Miss Universe

Ikinuwento ni Pia Wurtzbach ang kanyang pinagdaanan nang koronahan siya bilang Miss Universe.

Pia Wurtzbach, inaming sinasaktan ang sarili at naging anorexic nang maging Miss Universe-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/12/2021 05:44 PM
Pia Wurtzbach, inaming sinasaktan ang sarili at naging anorexic nang maging Miss Universe
Screenshot from Pia Wurtzbach's YouTube video

Naging bukas ang dating Miss Universe na si Pia Wurtzbach tungkol sa kanyang pinagdaanan na may kaugnayan sa kanyang mental health nang masungkit niya ang korona ng Miss Universe 2015.

Lingid sa kaalaman ng karamihan, may mga pinagdaanan si Pia nang koronohan siya bilang Miss Universe na malayo sa inaasahan ng marami sa kanya bilang isang beauty queen.


Inilahad ni Pia ang mga ito sa kanyang kauna-unahang Ted Talk na inilabas niya sa kanyang YouTube channel. 

“Maybe from afar it did look perfect, but the reality was far from it. What happens is when you win Miss Universe, you're usually given a psychiatrist because you need that. When your life is suddenly changed overnight, you need help,” ani Pia.

Pagbabahagi ni Pia, na-diagnose siya ng generalized anxiety disorder and major depression matapos kumonsulta sa iba’t-ibang eksperto. 

READ: Pia Wurtzbach’s journey to Miss Universe

Hindi rin umano maamin ni Pia ang kanyang nararamdamang sakit noong mga panahong iyon. Hindi rin umano ipinakita ni Pia sa publiko ang kanyang mga pinagdaanan upang matupad niya ang kanyang mga tungkulin bilang isang Miss Universe. 

Pagbabahagi pa ni Pia, may ilang beses na sinasaktan niya ang kanyang sarili at nilulunod niya ang kanyang sarili sa alak. Nakaranas din umano siya ng anorexia o isang eating disorder kung saan ginugutom niya ang kanyang sarili.

“I had unhealthy coping habits. Plural. And I'll say it straight up. I became anorexic. I was self-harming. I was pulling my hair, a condition called trichotillomania. And in the four corners of my room I also abused alcohol,” ani Pia. 

“I was deteriorating. I would just sit there dwelling in my pain, crying. I felt so alone. It was nothing like the people thought I had. I realized that all of the things that I didn't address when I was younger came back to me in a big and harmful way,” dagdag pa niya.  

Samantala, tinulungan naman umano siya ng Miss Universe Organization (MUO) sa pamamagitan ng pagdala sa kanya sa iba’t-ibang mga eksperto. Hinayaan din umano siya ng MUO na magkaroon ng oras upang buoin muli ang kanyangs sarili. 

READ: Pia Wurtzbach reminds netizens to take care of their mental health: ‘It’s okay to be down sometimes’

Sinabi naman ni Pia na hindi kailangang ikahiya ang mga ganitong mga bagay lalo pa’t kung nangangailan umano ng tulong. 

“I want to paint a picture not of a perfect beauty queen, but of a real person with real-life experiences. There is no shame in admitting that you are not perfect. And there is no shame in admitting that you need help,” ani Pia.