• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbigay si Nadine Lustre ng mga kondisyon kaakibat ng kanyang pananatili sa VIVA.

Nadine Lustre, mananatili sa VIVA hanggang 2029

Nagbigay si Nadine Lustre ng mga kondisyon kaakibat ng kanyang pananatili sa VIVA.

Nadine Lustre, mananatili sa VIVA hanggang 2029-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/12/2021 05:51 PM
Nadine Lustre, mananatili sa VIVA hanggang 2029
Photo Credit: @nadine on Instagram

Naglabas ng pahayag ang kampo ng aktres na si Nadine Lustre hinggil sa pananatili niya sa VIVA Artists Agency.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Ani ng inilabas na pahayag ng abogado ni Nadine na si Gideon V. Peña, naayos na ng tinaguriang “Multimedia Princess” ang kanyang kinaharap na ligal na gusot kaugnay ng kanyang kontrata sa VIVA. 


“Nadine Lustre and VIVA Artists Agency (VIVA) have settled their legal issues under terms that are fair and mutually beneficial,” saad ng kampo ni Nadine sa kanilang inilabas na pahayag.

READ: Nadine Lustre, babalik sa Viva

Nagdesisyon naman umano si Nadine na manatili sa VIVA sa kondisyong siya pa rin ang magdesisyon sa mga bagay na may kaugnayan sa kanyang “branding” at “image.” 

“Nadine and VIVA have agreed to continue their professional relationship on an exclusive basis until 31 December 2029 with Nadine retaining her rights to decide on matters in connection with her branding and image,” ani pa ng kampo ni Nadine. 

READ: Nadine Lustre leaves VIVA, now “self-managed”

Sinabi naman ng VIVA na hindi na sila maglalabas ng komento hinggil sa isyu. 

“To avoid future misunderstandings, both parties have agreed not to make any further comment on the matter,” sey pa ng kampo ni Nadine. 

Ipinangako naman ng kampo ni Nadine na patuloy itong gagawa ng mga dekalibreng proyekto na makakapagpasaya sa kanyag mga tagahanga. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

“For now, Nadine and VIVA remain committed and focused on providing quality entertainment,” huling sabi ng kampo ni Nadine. 

Tingnan ang buong pahayag ng kampo ni Nadine sa ibaba: 

Enero noong nakaraang taon nang magdesisyon si Nadine na iwanan ang VIVA. 

Samantala, inaabangan naman ang pelikula ni Nadine at Diego Loyzaga na Greed.