• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ng boyfriend ni Brenda Mage na si Kelvin Simbulan ang pagseselos niya kay Eian Rances.

Boyfriend ni Brenda Mage, nagseselos kay Eian Rances; tinawag itong ‘bakla’

Inamin ng boyfriend ni Brenda Mage na si Kelvin Simbulan ang pagseselos niya kay Eian Rances.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/12/2021 11:15 AM
Boyfriend ni Brenda Mage, nagseselos kay Eian Rances; tinawag itong ‘bakla’
Photo credit: @iambrendamage and @eianrances Instagram

Nagbigay ng patutsada ang boyfriend ni Brenda Mage na si Kelvin Simbulan kay Eian Rances nang inamin nitong nagseselos siya sa closeness ng dalawa. 

Kumakalat ngayon sa social media ang isang video kung saan inamin ni Kelvin na nagseselos siya sa pagiging malapit nina Brenda at Eian sa isa’t-isa sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.


Sa nasabing video clip, makikitang kasama ni Kelvin ang kanyang kaibigan na binabasa ang ilang komento mula sa mga netizens kabilang na ang tungkol sa umano’y pagseselos ni Kelvin kay Eian. 

READ: Brenda Mage reveals choosing PBB over role in ‘Darna: The TV Series’

Ani ng netizen, hindi umano dapat magselos si Kelvin kay Eian. “Hindi dapat magselos kay Eian kasi naamoy ko siya … alam niyo na,” sey ng isang netizen. 

Pag-amin naman ni Kelvin, nagseselos siya sa dalawa ng “konti.” Ngunit dagdag na patutsada nito: “Pero bakla si Eian.”

Hindi na bago ang pag-uugnay ng mga netizens kina Brenda at Eian lalo pa’t kitang-kita ang closeness ng dalawa. 

Umabot pa sa puntong nagkaroon sila ng tawagan na “baby shark.” 

May isang beses din na nag-viral ang mga clip ng dalawa kung saan kita ang pagka-miss nila isa’t-isa.

"Nami-miss ko na kayakap si Brenda.... Kahit may amoy,” saad ni Eian.

Gayunpaman, tila going strong pa din sina Brenda at Kelvin kahit na magkalayo silang dalawa ngayon. 

BASAHIN: Brenda Mage papasok bilang celebrity housemate sa ‘Pinoy Big Brother’

“Wag ka nang malungkot sa bahay ni kuya. Nandito lang kami ni Chuchay at ang gwapong-gwapo ako. I love you sayo babe. I miss you. Galingan mo palagi,” ani Kelvin sa isang mensahe nito.