• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagdiwang nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan.

Barbie Imperial at Diego Loyzaga, nagdiwang ng unang anibersaryo

Ipinagdiwang nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan.

Barbie Imperial at Diego Loyzaga, nagdiwang ng unang anibersaryo-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

12/12/2021 01:17 PM
Barbie Imperial at Diego Loyzaga, nagdiwang ng unang anibersaryo
Photo credit: @msbarbieimperial Instagram

Pinatunayan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na hindi matitibag ang kanilang relasyon sa kabila ng kaliwa’t-kanang kontrobersiya nang magdiwang sila ng kanilang unang taon bilang magkasintahan nitong Linggo, ika-12 ng Disyembre.

Sa isang Instagram post, binati ni Barbie si Diego sa kanilang anibersaryo. 


Ani Barbie, hindi nagbago ang ipinakitang pagmamahal sa kanya ni Diego mula nang maging sila hanggang sa ngayon. 

https://push.abs-cbn.com/2021/11/25/videos/barbie-speaks-up-on-issues-about-her-and-diego-197072

“Happy first anniversary, mahal! Since the day we met you've never stopped showing me how much you love me, how much you care for me,” saad ni Barbie. 

Nagpasalamat din si Barbie kay Diego dahil sa iba’t-ibang paraan na ipinakita nito upang patunayan ang kanyang pagmamahal para sa kanya.

“I am so thankful for you. You know how to make me happy (and make me bwisit loool). I am thankful for when you cook food for me, when you surprise me, when you feed me burgers and fries, your gifts and all the random ways you shower me with love,” ani Barbie. 

Ani pa ni Barbie, maraming bagay ang itinuro sa kanya ni Diego kabilang na kung paano niya mahalin ang kanyang sarili higit sa ano pang bagay.

READ: Diego Loyzaga calls Barbie Imperial the ‘love of his life’ in sweet birthday post

“I think the best thing you’ve ever done is teach me how to love myself more. You taught me so many things in life that no one has ever told me about. You taught me how to be strong. How to be okay even when I’m alone,” ani Barbie.

Pagpapatuloy pa niya: “You made me feel and believe that I am enough, and perfect just the way I am. You taught me how not to care about anyone but the people who love me. You taught me so much about reality and how sometimes there’s more magic in it than fantasy.” 

Bilang panghuling mensahe, sinabi ni Barbie na excited na siya sa kanilang future nila ni Diego. 

“Excited for future adventures with vou mahal ko. I love vou so much,” sey pa ni Barbie.