Andi Abaya na-disappoint nga ba na hindi nakapasok sa MMFF ang ‘Caught In The Act’?

Big screen debut ni Andi Abaya ang ‘Caught in the Act’.

Andi Abaya na-disappoint nga ba na hindi nakapasok sa MMFF ang ‘Caught In The Act’?-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/12/2021 10:11 AM
Andi Abaya na-disappoint nga ba na hindi nakapasok sa MMFF ang ‘Caught In The Act’?

Hindi na ang musical film na Yorme na pinagbibidahan nina McCoy de Leon at Xian Lim ang magiging kauna-unahang local film na ipalalabas sa mga sinehan sa December 15 pagkatapos ng halos dalawang taong pagsasara nito dahil sa pandemya. Na-move kasi ang playdate nito sa January 26, 2022 kaya naglakas-loob ang producer ng Caught In The Act na pinagbibidahan nina Andi Abaya at Joaquin Domagoso na kunin ang December 15 playdate para ipalabas ang kanilang pelikula.

Ang Caught In The Act ay isinabmit din sa Metro Manila Film Festival pero hindi ito pinalad na makapasok sa Magic 8.

Na-disappoint kaya si Andi na hindi nakapasok ang first lead role niya sa MMFF?


“I wasn’t really disappointed or anything. I didn’t feel anything negative na hindi po kami nakapasok sa filmfest,” diretsong sagot ni Andi sa tanong ng PUSH.

Dagdag niya, “Basta ang alam po namin we did our best naman, buong puso naming pinaghirapan yung movie and do’n pa lang I am beyond proud of each and everyone na part ng project na ito.”

READ: Kobie Brown says he and Andi Abaya ‘matured together’ in his first acting project

Dahil first movie pa lang naman ito ni Andi kaya buo daw ang kanyang pag-asa na may posibilidad pa ring maging bahagi ng MMFF ang future film projects na kanyang gagawin.

“When I was younger I never imagined myself being in this industry despite the fact na it was my dream. Hindi ko na-imagine ang sarili ko na gagawin yung ginagawa ko ngayon.

“When I found out the first time na gagawin ko ang project na ito I was really excited lalo na nung nalaman ko na isa-submit nila ito for MMFF. Hopefully in the future I get to have that opportunity na isa sa mga magiging pelikula ko ay mapapasok sa Metro Manila Film Festival,” puno ng pag-asang tinuran ng dalaga.

Ayon naman sa writer at director ng Caught In The Act na si Perry Escano, no hard feelings daw na naligwak sila sa MMFF.

“No hard feelings sa MMFF. The screening committees have different taste at may gusto silang genre pagdating sa pag pili ng Magic 8,” simulang katwiran ni Direk Perry.

Aniya pa, “Hindi lang naman ako ang nag-iisa na hindi napili. Madaming mga respetado at magagaling na direktor din naman ang di napili sa mga nag-submit. May ibang opportunities naman na puwede ipalabas ang movie.

“I do not have the knowledge talaga kung ano ang reason nila sa hindi pagpili ng film namin. Kung commercial appeal ang pag-uusapan, we have promising actors naman. We have Andi Abaya na [2nd big] winner ng Pinoy Big Brother at very visible na sa mga teleserye. We also have Joaquin Domagoso.

“The film is also supported ng mga veteran artists natin like sina Karel Marquez and Lance Raymundo. Sa content naman, modern and fresh story naman ang inihain natin for our audience.”

READ: Squad Plus member Andi Abaya reveals she is now in love

Target sana ng direktor na mas maraming makapanood ng kanilang pelikula kaya isinali nila ito sa MMFF. Pero marami pa raw namang ibang paraan para maabot ang iba nilang target audience.

“Bago naman po kami nag-submit, MMFF is one of the options to reach wider audience. Kung hindi mapasama, we have to move on and focus on the next plans, there are other options.

“We have a lot of digital platforms naman, like Google Play, Xbox, Amazon, GMA Films, and Star Cinema. Siguro there are a lot of reasons kung bakit siya di napasama and it is part of the process.

“Hindi naman ibig sabihin na dahil hindi ka napasama, your film is mediocre. They can watch this on December 15 para makita naman nila ang content at execution ng film kung ano talaga ang tina-tackle ng story,” lahad pa niya.

READ: EXCLUSIVE: Andi Abaya admits she was once not confident about singing

Naniniwala ba siya na kailangan ay mga big stars ang bida sa pelikulan para makapasok ito sa MMFF?

Sagot ng direktor, “Even in the past naman, isa ito sa mga criteria nila na dapat may big stars talaga para panoorin. Pero if you really love watching films, your focus is not the popular actors. Dapat dun sa content or sa story or how the filmmaker executes his work.

“In our movie, mayroon silang dapat aabangan dun. Dapat kapag nanood tayo ng film, dapat ma-educate natin ang mga viewers na una nila titingnan ay yung plot ng story. Madami silang aabangan sa movie.

“This is not just a teen or millennial movie. These are also for young professionals and all adults. There is something unique in the film they should not miss and should know. Kaya I'm hoping someday MMFF will not just look at who are the big stars in the movie or if this is a well-established production company, but also they will give independent productions or producers like us a chance to be part of their filmfest,” panawagan niya.

Samantala, bukod kina Andi at Joaquin ay kasama rin sa cast ng Caught In The Act na nagkaroon ng world premiere noong December 4 sa Gateway Cinema sina Karel Marquez, Shido Roxas, Lance Raymundo, Jhassy Busran, Bamboo B, John Gabriel, EJ Panganiban, at Josh Lichtenberg.