• Home
  • Fresh Scoops
  • Benedix Ramos at Shanaia Gomez, hindi na magpa-Pasko na Bahay ni Kuya matapos ma-evict ngayong Disyembre 11.

Benedix Ramos at Shanaia Gomez, tanggal na sa PBB Kumunity Season 10

Benedix Ramos at Shanaia Gomez, hindi na magpa-Pasko na Bahay ni Kuya matapos ma-evict ngayong Disyembre 11.

Benedix Ramos at Shanaia Gomez, tanggal na sa PBB Kumunity Season 10-Gary Ann  Lastrilla
BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

12/11/2021 09:09 PM
Benedix Ramos at Shanaia Gomez, tanggal na sa PBB Kumunity Season 10

Dalawa na naman sa mga celebrity housemates ang nagpaalam ngayong 6th eviction night sa Bahay ni Kuya.

Ang unang nagpaalam ngayong Sabado ng gabi, Disyembre 11, ay si Benedix Ramos, ang tinaguriang Streamboy Apo ng Pangasinan with 08.66 percent na pinakamababang votes to save. Si Benedix ay isang YouTube content creator na napabilang sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity edition.

Nasundan naman siya ni Shanaia Gomez, ang Rising Darling of Quezon City na nagkaroon ng 13.02 percent na pangalawa sa pinakamababang votes to save. Si Shanaia ay singer and artist ng Rise Artists Studio.

Napabilang din sa mga nominado ngayong 6th eviction night sina Madam Inutz, Anji Salvacion, KD Estrada, at Samantha Bernardo.