• Home
  • Fresh Scoops
  • Pasabog ang naging performance ni Miss Universe Philippines Beatrice Gomez sa preliminary competition para sa 70th edition ng Miss Universe.

Beatrice Luigi Gomez stuns in Miss Universe preliminary competition

Pasabog ang naging performance ni Miss Universe Philippines Beatrice Gomez sa preliminary competition para sa 70th edition ng Miss Universe.

Beatrice Luigi Gomez stuns in Miss Universe preliminary competition-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

12/11/2021 12:38 PM
Beatrice Luigi Gomez stuns in Miss Universe preliminary competition

Makapigigil-hininga ang naging pagrampa ng 80 kanidata sa preliminary competition ng 70th Edition ng Miss Universe pageant sa Eilat, Israel.

Mula presentation, swimsuit, at evening gown, hindi nagpahuli ang Pinay beauty na si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu na umeksena sa Miss Universe stage.

Beatrice Luigi Gomez stuns in Miss Universe preliminary competition


Presentation pa lang excited na ang mga pageant fans sa pagbibigay suporta para sa 26-year-old Cebuana beauty.

Agaw pansin rin ang naging pagrampa ni Beatrice sa swimsuit round kung saan suot niya ang one-piece red swimsuit kung saan kitang kita ang sexy figure ng Pinay beauty.

Beatrice Luigi Gomez stuns in Miss Universe preliminary competition

Elegante rin ang naging pagrampa ng Pinay beauty sa evening gown kung saan ibinida niya ang asymmetrically cut bejeweled red gown na gawa ng Filipino designer na si Francis Libiran.

Agaw eksena rin sa naganap na preliminaries ang kakaibang National Costume ni  Beatrice.

Sa uploaded video ng Miss Universe Philippines, ipinasilip nito ang “The Golden Lunar Dragon” National costume ng Pinay beauty na natatangi mula sa nakagawiang National costume ng mga pambato ng Pilipinas sa Miss Universe stage.

Sa ngayon, todo paghahanda pa rin ang 80 candidates kabilang na si Beatrice para sa gaganapin na coronation night ng Miss Universe ngayong December 13 (PH time).

Si Andrea Meza ng Mexico ang reigning Miss Universe at kung papalarin si Beatrice, magiging ika-limang Pinay beauty ito na makakapag=uwi muli ng korona sa Miss Universe na huling nasungkit ni Catriona Gray noong 2018 sa Bangkok, Thailand.

Sa darating na December 13 mapapanood ang live telecast ng Miss Universe sa A2Z channel 11.