• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang iringan sa pagitan nilang dalawa, inamin ni Barbie Imperial na nagkaayos na sila ng kapwa aktres na si AJ Raval.

Barbie Imperial at AJ Raval, nagkaayos na

Matapos ang iringan sa pagitan nilang dalawa, inamin ni Barbie Imperial na nagkaayos na sila ng kapwa aktres na si AJ Raval.

Barbie Imperial at AJ Raval, nagkaayos na-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/11/2021 10:45 PM
Barbie Imperial at AJ Raval, nagkaayos na
Photo Credit: @msbarbieimperial and @ajravsss on Instagram

Matapos ang iringan sa pagitan nilang dalawa, inamin ni Barbie Imperial na nagkaayos na sila ng kapwa aktres na si AJ Raval.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ikinwento ni Barbie na mismong siya ang tumawag kay AJ matapos siyang makatanggap ng unsent message mula sa aktres sa kanyang Viber.

Hindi na niya idinatelye pa kung ano ang napag-usapan nila, ngunit kinumpirma ni Barbie na nagkaayos na silang dalawa matapos na humingi si AJ ng paumanhin sa kanya.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

Matatandaang nagsimula ang iringan sa pagitan ng dalawang aktres nang ma-link si AJ sa kanyang Death of a Girlfriend co-star na si Diego Loyzaga, na nobyo ni Barbie.

Sa panayam ni Boy Abunda noong nakaraang buwan, pinatutsadahan ni Barbie si AJ dahil sa halip aniya na magsalita ito tungkol sa isyu ay mas pinili nitong manahimik.

“For me kasi, ‘di ba, if wala kang kinalaman, or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-thing kayo ni Diego?” ani Barbie.

“Gusto mo maging kabit? E, hindi ka nga gusto ng boyfriend ko."

Patuloy pa ni Barbie: "Sobrang tahimik ako about the issue. Ang dami ko na ring naririnig, pero hindi ko na kinakaya. Alam mo na ganoon ‘yung lumalabas na isyu, bakit hindi na mismo ikaw ang magpatahimik at alam mo naman na hindi ka naman gusto ng boyfriend ko."

BASAHIN: Cristy Fermin lashes out at Barbie Imperial for calling AJ Raval a ‘kabit’

Kamakailan lamang ay binasag na rin ni AJ ang kanyang katahimikan tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Diego.

“Si Diego po, hindi po, never po nanligaw si Diego sa akin. Wala po kaming naging relationship ni Diego," aniya. "One time ko lang po siyang nakasama, sa set pa po ng Death of a Girlfriend. Ayon lang po."

Nang matanong kung nasaktan ba siya sa paggamit ni Barbie ng salitang "kabit", sagot ni AJ: “Kabit po? Hindi naman po kasi natawa lang po ako, promise. Kasi kapag parang ano na po, e, sunod sunod na po ’yong issue ko ngayon... Walang totoo, sa totoo lang po. Hindi po totoo. Parang natatawa na lang po ako sa kanila. Ako, nagiging mabuti po akong tao, nagpo-focus po ako sa trabaho, wala po akong ginagawang masama.”

BASAHIN: AJ Raval naiyak sa presscon nang maalala kung paano hinusgahan ng mga tao

Sa huli, sinabi ni AJ na hiling niya na maging maayos at maging mas matatag pa ang relasyon nina Barbie at Diego. 

“Sana po maging okey po sila ni Diego. Sana po huwag na po nila akong idamay kasi po unang-una, sila po ’yong magkarelasyon. Hindi po ako kasali są relationship nila. Kaya dapat ayusin po nilang dalawa ’yon kasi wala naman po talaga ako sa relasyon nila. Hindi po ako kasali," aniya.

“Sana po maging okey si Barbie at saka si Diego. Huwag po silang magpapadala sa mga sinasabi ng mga tao. Sana po maiintindihan nila na normal lang po sa industry namin, artista po kami, huwag po sila masyadong magpadala sa mga tao.”