• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagdiwang nina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang kanilang ika-8 anibersaryo bilang mag-asawa nitong Huwebes, Disyembre 9.

Melai Cantiveros at Jason Francisco, ipinagdiwang ang kanilang 8th wedding anniversary

Ipinagdiwang nina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang kanilang ika-8 anibersaryo bilang mag-asawa nitong Huwebes, Disyembre 9.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/10/2021 10:31 AM
Melai Cantiveros at Jason Francisco, ipinagdiwang ang kanilang 8th wedding anniversary
Photo credits to @mrandmrsfrancisco on Instagram

Ipinagdiwang nina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang kanilang ika-8 anibersaryo bilang mag-asawa nitong Huwebes, Disyembre 9.

Sa Instagram, isang TikTok video ang ibinahagi ni Melai kasabay ng kanyang makulit pero matamis na pagbati para sa mister.

"Happy 8th year sa ating wedding my Sweetypie, Ga, Papangstrolls, PapangStrict, PapangBu, PapangLove, mahal, myLab pag di galit. Pero pag galit??? Jason, son, Huy, Ga**, pisti, buang, pssst. Anonymous hahaha," ani Melai.

"Happy 8th my lab ngayun di ako galit, hehehe. Thank you sa love and hate natin sa isa’t isa ikaw ang aking best enemy forever. TAlagang pag ikaw ang kalaban ko nagkakaroon ako ng planning and tactics kng paanu ako manalo sa laban, and it so exciting hahahahaha Char lang papang Love you Papang. Happy Anniv sa atin, kahit buang buang tayu strong pa rin tayu basta si Lord ang number 1 sa relasyun natin my lab ha," dagdag niya.

Nito lamang Oktubre ay pinakilig din ni Melai ang kanyang followers nang ibinahagi niya ang kanyang espesyal na mensahe para sa kaarawan ni Jason.

"13 Years Of greeting you a Happy Bday My Lab Ga is always a privilege for me simula nung pagkakilala natin sa Pbb. Happy Happy Bday Papang, my constant, confidant and my best Comforter, pag cya magcomfort, talagang para kang baby ayiie ayiie ayiie pa kumot kana. Ga hahahahahaha. Pray ko Papang mga Best lahat sayu. Mahal na nmin ng mga April Girls mu, kahit rinding rindi ka minsannsa mga bunganga namin," aniya.

Matatandaang unang nagkasama sina Jason at Melai sa sikat na reality show na Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009.

Ikinasal sila noong Disyembre 2013 at sa ngayon ay dalawa na ang kanilang anak—sina Amelia Lucille at Stela Rosalind.