• Home
  • Fresh Scoops
  • Marami mang tanong ang pumasok sa kanyang isip, mas nangibabaw pa rin ang kaligayahan ni Elisse Joson nang malamang magkakaanak na sila ni McCoy de Leon.

Elisse Joson, binalikan ang naging pagbubuntis

Marami mang tanong ang pumasok sa kanyang isip, mas nangibabaw pa rin ang kaligayahan ni Elisse Joson nang malamang magkakaanak na sila ni McCoy de Leon.

Elisse Joson, binalikan ang naging pagbubuntis-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

12/01/2021 03:25 PM
Elisse Joson, binalikan ang naging pagbubuntis
Photo credit to @elissejosonn Instagram

Marami mang tanong ang pumasok sa kanyang isip, mas nangibabaw pa rin ang kaligayahan ni Elisse Joson nang malamang magkakaanak na sila ng partner na si McCoy de Leon.

Sa kanyang feature para sa Metro.Style, binalikan ng aktres ang sandali nang nalaman niyang nagdadalantao siya sa anak na si Felize McKenzie.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


“Ang daming questions sa utak ko but at that point, mas nangibabaw talaga ’yung saya,” pagbabalik tanaw ni Elisse. “Hindi ako masyadong nag-worry at that time. Basta nu’ng nalaman ko lang, I knew it was a positive feeling for me.”

Ayon sa aktres, tatlong buwan na siyang buntis noong makumpirma niya na magkakaroon na sila ng anak ni McCoy. Una umano niyang sinabihan ang kanyang pinsan tungkol sa kanyang pagdadalantao, bago si McCoy.

“Tinawagan ko siya [McCoy] and I told him the news. And parang siya din, ’yung reaction niya nu’ng una, paulit-ulit niyang tinatanong, ‘Talaga? Talaga?’ Pero ’yung rinig ko sa boses niya that time, it was also a positive and happy tone… Hindi ko naramdaman na ayaw niya or merong hesitation sa boses pa lang niya," ani Elisse.

"And malaking bagay ’yun for me kasi it’s my first time and it’s a surprise to me, so ’yung marining mo ’yun sa partner mo, parang nakakawala ng, kumbaga, kung anuman ’yung ibang nararamdaman ko at that time other than joy, nawala ’yun."

Gayunpaman, sinabi ni Elisse na nakahinga lamang siya nang maluwag nang maipagtapat na niya ang kanyang pagbubuntis sa kanyang ina.

“After that, nawalan ako ng bigat sa shoulders ko nu’ng nasabi ko na sa kanya. At least, I told her already and ’yun na ’yun. We just had to move forward and deal with what was happening to me back then,” ani Elisse.

Kwento pa ng aktres, hindi umano siya pinahirapan ni Felize noong pinagbubuntis niya ito.

“Hindi ako nag-morning sickness. Hindi ako nagkaroon ng intense cravings. Hindi ako naghahanap sa mga tao na gusto ko nito, bili mo ako nito. Walang ganu’n. Walang hilo. Walang suka. It was as if she was helping me, na parang sabi niya siguro stressful times that time because I didn’t know how to deal with [things] work-wise. ‘Saan kami mag-stay?’ ’Yung mga ganu’ng unang questions sa mind ko. Parang tinulungan niya ako nu’n kahit na nasa tiyan ko pa lang siya kasi nga hindi niya ako binigyan ng hirap," aniya.

Kahit umano sa kanyang panganganak ay hindi rin masyadong nahirapan si Elisse.

"Hindi ako in pain na ’yung mga naririnig kong kuwento from other moms, ’yung pinagdaanan nila. Sa’kin naman, s’yempre nahirapan din ako. Iba rin ’yung feeling pero hindi siya ’yung sobrang hirap na hirap. It was tolerable for me and I actually enjoyed the process," aniya.

Pinanganak ni Elisse si Felize sa Amerika Abril 10 nitong taon. Matapos nito ay dali-daling siyang bumalik ng Pilipinas kasama ang kanyang anak para agad itong makita ni McCoy.

Samantala, sa panayam pa rin ng Metro.Style ay ibinahagi ni Elisse ang kwento tungkol sa kakaibang pangalan ng kanyang anak.

“So I was looking through online kung ano ’yung mga possible baby names pero di ako nakaka-connect sa any of the names… Ang wish ko, ang lagi ko lang pinagpre-pray during my pregnancy was to have a happy and healthy baby. ’Yun lang talaga. Sabi ko, kahit mahirap ’yung sitwasyon that time, sana lang ’yung baby maging happy, maging healthy, wala na akong hihilingin pa. And that’s when it came to me na hahanap ako ng name na meaning ‘happy, joy.’ And that’s how Felize came kasi nga it means happy, lucky,” kwento niya.

“['Yung McKenzie naman, it] has something to do with [being] a strong warrior. So, ’yung pangalan niya, we wanted her to be that. And happy ako, we’re very happy nu’ng lumabas nga siya and she is such a happy baby. She brings so much joy to us.”

Oktubre nitong taon nang ginulat nina Elisse at McCoy ang publiko sa kanilang rebelasyon na mayroon na silang anak.

Ipinakilala ng dalawa si Felize sa episode ng reality show na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, kung saan bumalik sila ng PBB house para tanungin si Big Brother kung pwede ba itong maging ninong ng kanilang baby.

BASAHIN: Elisse Joson and McCoy de Leon reveal they have a baby girl

Pag-amin Elisse, hindi umano nila plinano ni McCoy kung paano ipakikilala ang kanilang anak sa publiko. 

"Pag-uwi kasi namin, we had to fix a lot of things like papers and all from the States and going back home here. So [nu’ng] naka-settle na kami, sabi namin, we think it’s time and ’yun ’yung nangyari. We didn’t plan on how to reveal. The opportunity just came and I think it flowed naturally lang," ani Elisse.

Gayunpaman, sinabi niya na wala umano silang rason ng kanyang partner para itago si Felize sa mundo.

“There’s no reason for us to hide it. There’s no reason to keep her away from other people… I think it was the right time na kasi kaya na namin i-handle kung anuman ’yung challenges thrown our way. So, we were ready," aniya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Sa kung papaano naman nabago ang kanilang relasyon sa pagdating ng kanilang anak, sinabi ni Elisse: "Adding Felize to the picture, it made us stronger as well individually, and it made us grow together as a couple."

"Ngayon na-realize namin ’yung span ng patience and understanding namin pareho na mas mahaba na siya, mas kailangan habaan pa and with that nakakatulong din ’yun sa’ming dalawa. Kasi ’pag kay Felize, s’yempre she’s still a baby, she needs more attention, more care, more patience, more understanding so napi-pickup namin ’yun kapag kami na lang din dalawa ni McCoy. Napi-pickup namin ’yun and it helps our relationship. Kasi dati parang ang daling mainis, ang dali to fight over little things but now we’re more understanding of where we are as parents, and we try to find our middle ground as much as possible," sabi pa niya.