• Home
  • Fresh Scoops
  • Andrea Brillantes, marami pang gustong makamit para sa pamilya.

Andrea Brillantes, todo kayod ngayon para sa kanyang listahan ng ‘goals’

Andrea Brillantes, marami pang gustong makamit para sa pamilya.

Andrea Brillantes, todo kayod ngayon para sa kanyang listahan ng ‘goals’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/01/2021 12:32 PM
Andrea Brillantes, todo kayod ngayon para sa kanyang listahan ng ‘goals’
Photo credits to @blythe Instagram

Para kay Andrea Brillantes, nagsisimula pa lang siya sa kanyang mga pangarap sa buhay at napakarami pa raw niyang gustong gawin para sa kanyang pamilya.

“Malayo pa po. Malayo pa po yung pangarap ko sa estado ko ngayon sa buhay. Marami pa po akong gustong maibigay sa pamilya ko, sa sarili ko. Marami pa po akong gustong patunayan sa lahat ng tao, sa fans ko,” lahad ng dalaga nang humarap siya sa ilang entertainment press sa launching ng Beautederm health boosters na Reiko aKenzen.

Ayon pa sa dalaga, hindi siya nakakaramdam ng pagod kahit marami siyang trabahong ginagawa.


“Actually kasama ko lang po si Tita Cory (Vidanes, Chief Operating Officer ng ABS-CBN) the other day tapos sabi niya, ‘Grabe pagod na pagod ka na.’ Sabi ko, ‘Opo, mas gusto ko ang napapagod kaysa nagpapahinga.’

“Kasi po as a breadwinner maraming umaasa sa akin at ang dami kong pangarap at gusto kong maabot po yon at hindi talaga ako marunong mag-give-up kahit sobrang bigat na at grabe na ang napagdadaanan ko.

“Kahit gaano na kabigat ang ibinabato ng mundo hangga’t hindi ko nakukuha ang goal ko at hindi ako nakukuntento ay hindi po talaga ako titigil. Mag-stop lang ako pag nakuha ko na po ang goal ko, mga 10 years pa at may two pages pa sa listahan ko ang hindi ko pa natsitsek.

“May listahan po kasi ako ng mga bagay na dapat kong magawa bago ako mag-retire. Pero unti-unti natsitsek ko naman na siya. At hindi rin naman ako nagmamadali para matapos yon,” kuwento ni Andrea.

Andrea Brillantes, kinailangang mag-social media detox

Eh, paano naman ang personal life niya? Saan pa niya isisingit dito ang pagkakaroon ng love life?

“Ay kaya rin pong mag-multi task,” natatawa niyang sagot.

Dagdag niya, “Alam naman po ninyo na mayroon akong special friend—si Seth (Fedelin), happy na po ako with his company. At saka wala naman pong ibang nanliligaw sa akin kasi hindi po talaga ako lapitin kasi hindi po ako palagala.

“Hindi po kasi ako extrovert at ang tingin po ng boys ay suplada ako or intimidating ako. Hindi rin naman po ako naghahanap  as of the moment. Masaya na po ako sa relasyon namin ni Seth ngayon. Masaya po siyang katrabaho, masaya ako na sinusuportahan niya ako.”

Andrea Brillantes shares why Seth Fedelin is ‘nakaka-proud’ in “Saying Goodbye”

Inamin din ni Andrea na papunta na talaga sa more than friends stage ang relasyon nila ni Seth.

Pagtatapat niya, “Siguro… I guess. Ini-enjoy lang namin yung company ng isa’t isa, yung projects namin. Sinabi din naman niya na ako yung gusto niyag ka-work. We’re just taking our time po kasi bata  pa rin po kami.”

Magkasama sina Andrea at Seth sa ABS-CBN project na Saying Goodbye.

Samantala, umaasa naman ang Kapamilya star na sa mga susunod na panahon ay muli niyang makakasama ang mga fans na sumusuporta sa kanya.

“Siyempre, ngayon na pandemic, miss na miss ko na sila. Actually, ngayon, sa work ko na hindi puwede ang mall show, sobrang limited lahat ng puwede mong gawin, feeling ko nga, naka-pause pa lahat, eh.

“Naiipon lahat ng gusto kong ibigay. So, feeling ko, pag natapos na ‘to, hopefully, matapos na ‘to, gusto ko sana, ang dami kong gustong ibigay na pagmamahal sa fans ko. Andaming na-reserve na energy sa akin,” huling pahayag ng magandang aktres.