• Home
  • Fresh Scoops
  • Magiging parte na ang beteranang aktres na si Sharon Cuneta ng sikat na teleserye na ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Sharon Cuneta, alay kay FPJ ang pagpasok sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Magiging parte na ang beteranang aktres na si Sharon Cuneta ng sikat na teleserye na ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/09/2021 03:10 PM
Sharon Cuneta, alay kay FPJ ang pagpasok sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Hindi umano naging mahirap para sa beteranang aktres na si Sharon Cuneta ang pagdesisyon na maging parte siya ng sikat na teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.

Sa isang virtual press conference nitong Martes, Nobyembre 9, sinabi ni Sharon na "no-brainer" para sa kanya ang pagpasok sa programa na ipinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin. 

 


 

"Kasi parang sino ba 'yung ayaw maging parte ng 'ng Probinsyano?" aniya. "Ang nerbyos ko lang, parang, 'Oh my god, paano kaya gumawa ng teleserye na every day?' Sanay ako movies eh 'di ba. I had a serye before but iba, eh. Iba 'yung seryosong drama, teleserye, tapos Kapamilya. Ang laki laki ng papasukin kong teleserye kasi it's been number one for six years. So no-brainer for me. Oo agad." 

Ayon kay Sharon, na pinamagatang "Megastar", dream come true din para sa kanya ang mapabilang sa star-studded cast ng teleserye.

"Right on the spot [akong nag-desisyon]. Tapos pinag-usapan na lang 'yung details ng [pagpasok ko]. But to me it was really also a dream come true. You know, you're in a position to say, ''Wag na muna, papahinga na lang muna ako sa bahay kasi mahirap mag-taping tapos on location pa.' Pero ito talagang, 'Oh my god. No, this is 'Ang Probinsyano, you cannot say no to it.' So it's really an honor for me to be part of the cast," aniya.

BASAHIN: Sharon Cuneta joins cast of ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Kwento pa ni Sharon, nasa Amerika siya noong inalok sa kanya ang kanyang pagpasok sa Ang Probinsyano.

"'Yung konsepto, kinwento ni Coco... parang inistorbo siya isang gabi, hindi siya makatulog, ako 'yung naiisip niya na hindi niya alam kung bakit. Tapos 7 am, tinext na niya si Tita Cory (Vidanes). Sabi niya, 'Pwede po bang humingi pa ulit for Probinsyano? Pwede po bang mag-guest si Miss Sharon?' Tapos sabi raw ni Tita Cory, 'Ha? Oh sige, I'll message her, I'll ask her.' So the message got to me. Sabi ko, 'Sure.' 'Can you hear the story?' 'Sure, sure,'" kwento niya.

"Nasa States pa 'ko [that time]. Tapos pag-uwi ko, doon kami nag-Zoom. And Coco was just, you know, dire-diretso. Kinwento niya, 'Ito po 'yung naisip kong role sa inyo. Hindi po ako makatulog nang isang buong gabi.' Tuloy tuloy ang kwento niya, 'yun pala hindi pa buo talaga, pero he was just coming out with it. Walang patid. I was so impressed. So sure, sure. Sabi ko nga kay Coco, kahit wala pa 'yung istorya, tatanggapin ko naman 'to," sabi pa niya. It's so heartwarming and nakakataba nang puso to know na pinaghandaan ka, inalagaan 'yung character mo, inalagaan 'yung role mo. Walang butas talaga, lahat may koneksyon. 'Yung hindi lang basta pinasok. So I'm very grateful for that."

Sa presscon, ibinahagi rin ni Sharon kung ano ang kanyang mga paghahanda para sa kanyang inaabangang pagpasok sa programa.

"Actually it's more mental and physical. 'Yung ang tagal ko nang wala sa groove ng meron kang routine every day na itong oras na ito gumigising ka. Ngayon kasi I'm a morning person; I used to be a night person. So now I wake up really early so I don't see any problem pagdating doon...[But] 'yung paghahanda, it's more mental kasi I'll leave my family again. Mental, emotional," aniya.

Hindi man sinabi ng aktres kung ano ang magiging karakter niya sa teleserye ay nagbigay naman siya ng konting clue. 

"Sabihin na lang natin na balik love team. Pero napakahaba ng flashback, kailangan pong abangan ninyo at panoorin. Napaka-haba at lalim ng backstory namin so 'yun lang. 'Yun lang kaya kong sabihin," aniya.

Ibinahagi rin niya kung ano ang pwedeng matutunan ng mga manonood mula sa kanyang karakter. 

"Forgiveness siguro, patience. That vengeance won't get you anywhere. Atsaka true love never dies," aniya.

Nang matanong naman kung sino pang aktor ang excited siyang maka-eksena bukod kay Coco, mabilis na sagot ni Sharon: "Tommy Abuel. Because I worked with him in so many movies when I was younger. He actually made that line of Cherie Gil sa Bituing Walang Ningning, 'You're nothing but a second rate, trying hard, copy-cat.' That was Tommy Abuel's line that he suggested to direk, and it became immortal 'di ba?

"But lahat sila gusto ko makaeksena. From Tito Jaime Fabregas na nakaeksena ko sa Jack and Jill...to Michael de Mesa [who is an old friend. And then new friends like Osang (Rosanna Roces); John Estrada, old friend, old co-star; Rowell (Santiago), siyempre, since I was 16. Direktor ko siya mostly pero ngayon lang kami mag-a-act together ulit.

"Tapos siyempre Coco, Julia (Montes), 'yung mga hindi ko pa nakaka-eksena. I look foward to doing scenes. Sana meron din kami ni ate Lorna Tolentino 'no, kasi ang tagal na nung movie namin eh. But everybody sa cast, excited ako. Super. I mean, kung titingnan niyo sa cast, at kilala niyo ako, alam niyong mga kaibigan ko 'to."

 

 

 

Samantala, bilib umano si Sharon kay Coco dahil sa sipag at dedikasyon nito bilang bida at direktor ng Ang Probinsyano.

"Si Coco, he's so committed to Ang Probinsyano, it's amazing to see. It's touching. It's touching to see someone relatively young na ganun... You know, you're on top of this big show that's been number one for six years. Hindi ko ma-imagine 'yung pressure sa kanya. But he's been doing great...It's amazing to see how committed he is. Siyempre ikaw, you're moved to do your best talaga," aniya. 

Ang FPJ's Ang Probinsyano ay hango sa 1996 blockbuster film na Ang Probinsyano na ipinagbidahan ng movie icon na si Fernando Poe, Jr.

Nang matanong kung ano ang masasabi niya sa pagganap ni Coco bilang si Cardo Dalisay, ani Sharon: "Oh my goodness. Syempre FPJ is a totally different star and Coco is totally different. Although binuhay niya si Cardo dito. Coco gave the character his own touch...Proud ako sa ginawa ni Coco. Very proud, very grateful to him for honoring FPJ in this way."

BASAHIN: Coco Martin has a message for fans on the sixth anniversary of ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Ayon pa sa aktres, alay niya kay FPJ, na naging matalik niyang kaibigan sa showbiz, ang kanyang pagpasok sa Ang Probinsyano.

"Isang malaking factor [sa pagpasok ko] is the fact that this is FPJ's Ang Probinsyano. FPJ was my best, best friend in the business. So I really wanted to be a part of this. Because Coco has maintained legacy and made it shine even brighter, so I'm grateful to Coco for that. And Tita Susan (Roces), also. Because this really belongs to FPJ. And I'm glad I'm finally going to be a part of it as my tribute to him," aniya.

Abangan ang paglabas ni Sharon sa FPJ's Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.