• Home
  • Fresh Scoops
  • Binisita ni Jake Cuenca ang Grab driver na tinamaan ng mga pulis ng ligaw na bala.

TINGNAN: Jake Cuenca, binisita ang delivery rider na tinamaan ng ligaw na bala sa insidenteng kinsangkutan

Binisita ni Jake Cuenca ang Grab driver na tinamaan ng mga pulis ng ligaw na bala.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/07/2021 03:09 PM
TINGNAN: Jake Cuenca, binisita ang delivery rider na tinamaan ng ligaw na bala sa insidenteng kinsangkutan
Photo credit: @juancarloscuenca Instagram

Personal na binisita ng aktor na si Jake Cuenca ang Grab driver na tinamaan ng ligaw na bala sa insidenteng kinasangkutan niya noong nakaraang buwan. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Jake ang mga litrato sa kanyang naging pagbisita sa driver na si Eleazar Martinito. 

Matataandaang nasangkot kamakailan si Jake sa isang road accident na nauwi sa habulan sa pagitan niya at ng ilang kapulisan. 


Sa naganap na habulan ay tinamaan ng ligaw na bala ng pulis ang nasabing Grab driver.   

“Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si Eleazar Martinito ang Grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan,” saad ni Jake sa caption ng kanyang post. 

“Taos pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita,” dagdag pa niya. 

Nagpapasalamat naman si Jake dahil maayos ang kalagayan nito sa kabila ng nangyari sa kanya. 

“Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos kang kalagayan kasama ang iyong pamilya,” ani Jake. 

READ: Jake Cuenca arrested by police after allegedly bumping a police car

Samantala, patuloy naman ang panalangin ni Jake na gumaling na ang driver upang makabalik na ito sa trabaho. 

“Hangad ko ang iyong patuloy na kaligtasan at nawa’y makabalik agad sa iyong trabaho,” ani Jake.