• Home
  • Fresh Scoops
  • Fit and strong. Narito ang ilang celebrity mommies na talaga namang #fitspiration.

Celebrity moms and their fitspiration journey | Pushpins

Fit and strong. Narito ang ilang celebrity mommies na talaga namang #fitspiration.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/08/2021 11:00 AM
Celebrity moms and their fitspiration journey | Pushpins

Fit and strong. Narito ang ilang celebrity mommies na talaga namang #fitspiration.

 

Anne Curtis 


 

Ipinangak ng aktres na si Anne Curtis ang baby girl nila ng asawang si Erwan Heusaff na si Dahlia Amelie noong March 2020. 

Walong buwan pa lang ang nakakalipas simula ng manganak ito ay proud na niyang ipinakita ang kanyang toned abs habang pinapatulog si baby Amelie. 

Ayon kay Anne, she was able to sneak in some of her workout routines while going on her daily walks with Dahlia. 

Bukod sa leg workouts, running, at cycling ay nahilig din si Anne sa freediving.

 

Coleen Garcia 

 

Coleen Garcia gave birth to baby Amari via a home water birth process last September 2020. 

Just a week after giving birth, ipinakita ni Coleen ang kanyang postpartum body kung saan nagulat ang netizens dahil sa kanyang slim figure. 

Bago manganak ay sinabi ni Coleen na tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pag-workout base sa kung anong kaya ng kanyang katawan. 

Ilan sa kanyang workout routines after giving birth ay rowing, indoor cycling, at light abs workout na ipinagpaalam niya sa kanyang doctor. 

 

Sarah Lahbati 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SLG (@sarahlahbati)

 

Dalawang beses nang nanganak ang aktres na si Sarah Lahbati. Una siyang nanganak noong April 2013 at second time naman noong March 2018. 

Sa isang interview ay ibinahagi ni Sarah na madalas siyang kumain ng high-fiber food dahil nakakatulong ito para mawala ang kanyang baby weight. 

She also said that breastfeeding helped her to shed excess baby weight after giving birth. 

Ikinatuwa rin ng netizens ang pagbahagi ni Sarah ng kanyang workout routine while swinging baby Kai with her legs. 

 

Janella Salvador 

 

Janella Salvador welcomed her baby boy Jude last October 2020. 

Makalipas ang sampung buwan ay ibinahagi ni Janella ang kanyang postpartum figure at sinabing kailangan pa niyang mag-lose ng 13 pounds to achieve her ideal weight.

Isa ang pagtakbo sa treadmill na nakatulong para mawala ang kanyang excess baby weight matapos manganak. 

Inamin din ni Janella na nakatulong sa kanyang sexy figure ang pag-undergo ng liposuction. 

 

Sofia Andres 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

 

Ang first-time mom na si Sofia Andres ay nanganak noong November 2019 kay Zoe Natalia. 

Sa isang vlog ay ni-reveal ni Sofia na she hardly gained weight during her pregnancy but was still consistent in doing her post-pregnancy workout routines. 

Ayon kay Sofia, dahil wala siyang sasakyan sa Australia kung saan siya nanganak ay madalas itong maglakad na nakatulong din sa kanya.  

Ilan sa mga post-pregnancy workout routines ni Sofia ay spinning, cycling, yoga, at running. 

See more of their photos in this episode of Pushpins. 

Sino sa kanila ang fitspiration niyo?