• Home
  • Fresh Scoops
  • Another success para sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated ang pagkapanalo ni Maureen Montagne.

Maureen Montagne is Miss Globe 2021

Another success para sa Binibining Pilipinas Charities Incorporated ang pagkapanalo ni Maureen Montagne.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/06/2021 12:12 PM
Maureen Montagne is Miss Globe 2021
Photo credit to @maureenmontagne and @bbpilipinasofficial Instagram

Stand out ang gandang Filipina sa Tirana, Albania sa naging tagumpay ni Maureen Montagne sa katatapos lang na coronation night ng Miss Globe beauty pageant 2021.

Si Maureen ang pambato ng Pilipinas sa Miss Globe kung saan lumahok ang 40 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

 


 

Bago pa man ang coronation night, matunog na ang Pinay beauty sa kabi-kabilang recognition nito mula sa pre pageant activities kung saan first runner-up ito in three pre-pageant competitions: People's Choice, Miss Bikini, at Head to Head Challenge. 

 

 

Sa National costume, stand out rin si Maureen sa kaniyang pagbibida ng Sampaguita-inspired outfit na likha ng Pinoy designer na si Patrick Isorena.

 

 

 

From National Costume, stand out rin si Maureen sa kaniyang elegant look sa evening gown.

 

 

 

 

Taong 2015 nang nasungkit ng Pinay beauty na si Anne Colis ang unang korona sa Miss Globe.

Samantala, first runner up naman si Miss Nigeria, second runner up si Miss Turkey, third runner up si Miss Venezuela habang fourth runner up si Miss Canada.

Sa naging tagumpay ni Maureen sa Miss Globe, isang pagbati naman ang ipinaabot ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. para sa back-to-back success ng dalawa sa kanilang kandidata na lumaban sa international stage.

“Another win for the Philippines!  Congratulations to our Miss Globe 2021 Maureen Montagne!”

 

 

Sa ngayon, looking forward ang BPCI at pageant fans sa pagbabalik Pilipinas ni Maureen na inaasahang dadalo sa nalalapit na taunang Christmas tree lighting sa Araneta Center, Cubao.