• Home
  • Fresh Scoops
  • First time sasabak sa acting ang former ‘The Voice PH’ finalist na si Rita Martinez.

Former ‘The Voice PH’ finalist Rita Martinez bibida sa GL series ni Direk Sigrid Bernardo

First time sasabak sa acting ang former ‘The Voice PH’ finalist na si Rita Martinez.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/06/2021 06:33 PM
Former ‘The Voice PH’ finalist Rita Martinez bibida sa GL series ni Direk Sigrid Bernardo
Photo Credit: @rita_martinez10 on Instagram

Totoong lesbian ang kinuha ni Direk Sigrid Andrea Bernardo na bibida sa gagawin niyang Girl Love (GL) series na may pamagat na Lulu. Ang member ng LGBTQ community at dating The Voice of the Philippines season 2 finalist na si Rita Martinez ang pinili ng direktor na ipartner sa sexy star na si Rhen Escano sa kanyang first ever GL project. 

Masaya naman ang singer na sa kanyang ipinagkatiwala ng director ang role kahit pa first time pa lang niyang sasabak sa pag-arte. 

Ani Rita, “When I found out about the series, I was actually honored because they told me that Direk Sigrid will be directing the show. And of course, working with amazing people, it’s an honor on my part, especially because this will be my first ever show in my entire life.” 


When I read the script, I also told Direk na parang… I think it was written exactly for me because sa description pa lang, chef and singer. But I still did my due diligence. I submitted everything that I had to and it’s really an honor to be part of the show,” dagdag ni Rita na bukod sa pagiging musician ay isa ring chef sa tunay na buhay. 

Read: Rita Martinez welcomed to Camp Kawayan

May paliwanag naman ang Kita Kita director kung bakit totoong tomboy ang kinuha niya sa gagawing GL series na ipapalabas sa Vivamax. 

Ang daming nag-audition. Mas na-touch ako actually sa mga nag-audition dahil ang daming talented na members ng LGBTQ community na puwedeng maging artista. There are a lot of talented feature actors sa LGBTQ, so bakit hindi sila bigyan ng chance na magbida lalo na ang kuwento naman ay girl love series? Why not cast the real ones na kaya naman na umarte? 

Gusto ko rin i-encourage ang lahat ng producers to discover talents from the LGBTQ community. I am not saying that straight actors cannot play mga ganitong roles, but they have more avenues, they have more opportunities. 

Gusto ko talaga to create more opportunities for the LGBT community. Hindi lang lagi silang nasa background lang or supporting roles, kaya rin naman nila magbida,” tuluy-tuloy na sabi ng lady director. 

Read:Direk Sigrid Bernardo hindi gumagawa ng pelikula para sa award

Eh, bakit nga ba isang GL series ang gusto niyang gawin? 

Tugon ng direktor, “Konti lang ang GL series so I decided to make a series about girl love naman. And also, I’ve always wanted to make a lesbian film and yung first feature film ko was Ang Huling ChaCha ni Anita, and that was in 2012. 

“So I’m very excited to do another project dealing with LGBTQIA+. Nagpa-audition kami and isa si Rita sa mga nag-audition. Si Rita, first-time actor but she’s natural.” 

Inamin naman ni Rita sa PUSH na katulad ng ibang miyembro ng LGBTQ ay nakaranas din siya noon ng diskriminasyon at panghuhusga. 

Masakit po siya. It’s one of the things na I also explained kina Direk before na, with us, we have to prove ourselves ten times more than everyone else just to be accepted or to gain that respect from people. 

“Sinabihan ako before na, ‘Ganyan ka, sinong seseryoso sa ’yo? Wala kang mararating, walang mangyayari sa buhay mo, kasi walang tatanggap sa ’yo.’ It really hit me,” pagbabahagi pa niya sa PUSH.