• Home
  • Fresh Scoops
  • Talaga namang malaki ang ibinawas na timbang ng aktres na si Sharon Cuneta.

Sharon Cuneta, ibinida ang pagbubunga ng limang taong pagpapapayat: ‘From XXL to medium’

Talaga namang malaki ang ibinawas na timbang ng aktres na si Sharon Cuneta.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/05/2021 08:44 AM
Sharon Cuneta, ibinida ang pagbubunga ng limang taong pagpapapayat: ‘From XXL to medium’
Photo credit to @draivee Instagram

Sa isang Instagram post, sinabi ni Sharon na mula XXL, nasa medium na lang umano ang size ng kanyang mga damit ngayon.

Katabi ni Sharon sa nasabing larawan si Aivee Teo na sinabing proud siya sa Megastar dahil nagbunga umano ang limang taong sakripisyo nito para sa kanyang pagpapapayat. 

Si Aivee ang CEO ng Aivee Group of Clinics. 


"Look at her! From XXL to MEDIUM. It’s been a long 5-year journey of weight loss & healthier you at the @theaiveeclinic and it’s so worth it   So proud of you (us)," ani Aivee. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dr Aivee (@draivee)

 

Ani naman ng asawa ni Aivee na si Dr. Z Teo, masaya siya para kay Sharon hindi lang dahil sa nakapagbawas ito ng timbang kundi mas naging masigla at healthy din umano ito. 

READ: Sharon Cuneta, ipinagmalaki ang malaking nabawas na timbang: ‘Size 38 nalang jacket ko’

"It makes our hearts jump with joy to see how thin, healthy, young, and energetic she is now after losing all those weight and inches," saad ni Aivee. 

Ang kwento ni Sharon ay kwento ng determinasyon, pasensya, at tiwala, ayon kay Aivee. 

"This story is a story of determination, patience, and trust between doctor and patient, friend to friend."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dr Z Teo (@drzteo)

 

Binati naman ng aktres na si Gretchen Barretto si Sharon at sinabing: “Great job    bravo   to a healthier life ahead.”

Matatandaang noong nakaraang buwan unang ibihanagi ni Sharon na malaki ang naibawas niya sa kanyang timbang. 

Ani Sharon, 2016 siya nang magsimula siya mag-diet. Masaya din umano siya na makapag-inspire ng ibang tao na ka-edaran niya. 

“I started dieting in January of 2016 but now lang talaga napansin yung loss of weight ko,” pagtatapat niya. “Kasi on and off ako sa dieting. Pag may nakita akong food na hindi ko kinain, I tell myself, ‘What if I'd die tomorrow at hindi ko natikman yan.’ Ngayon tikim-tikim na lang, hindi na  isang bandehado,” ani Sharon.

READ: Sharon Cuneta explains why she is determined to lose weight this time

“They message me and tell me I inspire them. I’m already 55 and I’m happy that I can inspire other women to be healthy. I’m just glad to feel healthier now, so I can see my grandchildren, and I can run with them,” saad pa niya. 

“And it’s also for health reason and then bonus na ‘yung you look better on screen. Gusto ko ring maging proud sa akin ang mga Sharonians ko when they watch me naman at excited sila,” pagpapatuloy pa niya.