• Home
  • Fresh Scoops
  • Here are some celebrity couples who both share their love for music.

Celebrity couples na parehas mahilig kumanta | Pushpins

Here are some celebrity couples who both share their love for music.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/06/2021 09:00 AM
Celebrity couples na parehas mahilig kumanta | Pushpins
Photo credit to @moiradelatorre, @mariesteller, @reginevalcasid, @anakarylle and @kztandingan Instagram

Sabi ng iba, music binds people and relationships together. 

Mukhang totoo naman ito dahil maraming mga mag-partner na musicians sa showbiz industry ang masaya ngayon sa kanilang relationships. 

Hindi lang sa kanilang love life busy ang mga couples na ito dahil busy din sila sa paggawa ng music together. 


Sinu-sino sila?    

Let's find out.    

 

Regine Velasquez and Ogie Alcasid 

 

 

Hindi maikakaila na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay dalawa sa mga OPM icons na talagang hinahangaan when it comes to singing and song writing. 

Bago ikasal ang dalawa noong 2010 ay marami na silang pinasikat na kanta gaya ng Dadalhin at Minsan Lang Kita Iibigin ni Regine. 

Ilan naman sa mga pinasikat na kanta ni Ogie ay ang classic songs na Nandito Ako, Kung Mawawala Ka, at Bakit Ngayon Ka Lang. 

Isa sa hindi malilimutang duet songs ng mag-asawa ay ang kanilang performance ng kantang Hanggang Ngayon, which was composed by Ogie himself. 

 

Moira dela Torre and Jason Marvin Hernandez 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)

 

Taong 2019 ng ikasal ang singer at song writers na sina Moira dela Torre at Jason Marvin. 

Sa kanilang kasal ay ipinatugtog ang original song ni Moira na Tagpuan para sa kanyang bridal walk. Ito rin ang kantang ginamit ng dalawa sa kanilang proposal video. 

Noong araw din ng kasal nila unang inilabas ng dalawa ang kanilang original song and composition na Ikaw at Ako. 

Karamihan sa mga kanta sa Patawad album ni Moira noong 2020 ay isinulat nilang mag-asawa ni Jason. 

 

Karylle and Yael Yuzon

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Karylle (@anakarylle)

 

Singers Karylle and Yael Yuzon tied the knot in Tagaytay in March 2014.

Kilala si Yael bilang vocalist at guitarist ng bandang Sponge Cola. 

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng Sponge Cola ay ang Jeepney at Tuliro.  

Samantala, kilala rin si Karylle sa mga kantang pinasikat niya gaya ng OMG, Iloveya, at Sa 'yo Na Lang Ako. 

Inilabas naman ngayong taon ang duet song nina Karylle at ina nito na si Zsa Zsa Padilla na pinamagatang Simula, which was arranged by Yael and written by Karylle. 

 

KZ Tandingan and TJ Monterde 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KZ (@kztandingan)

 

Nagsimula ang love story ng singers na sina KZ Tandingan at TJ Monterde dahil sa voice note na pinadala ni TJ habang kinakanta ang Falling in Love at A Coffee Shop. 

Ikinasal ang dalawa sa isang intimate wedding noong August 2020. 

Unang isinapubliko ng dalawa na sila ay kasal na nang ilabas nila ang music video ng kantang Can't Wait to Say I Do na mula sa kanilang wedding EP titled Simula. 

Naglabas din ng Visayan songs ang dalawa na sinulat nila para sa isa't isa. Ito ay pinamagatang Dodong at Inday. 

 

Maris Racal and Rico Blanco

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

 

Unang kinumpirma ni Maris Racal na sila ay in a relationship na ng former Rivermaya frontman na si Rico Blanco noong May 2021. 

The two performed together on the ASAP Natin ‘To stage their 2019 collaboration song titled Abot Langit last September 2021. 

Ang kantang Ate Sandali naman na mula sa mini-album ni Maris ay isinulat ng singer-actress and was produced by her boyfriend. 

Nitong taon din inilabas ni Maris ang kanyang Visayan-Tagalog song na Asa Naman, which the couple co-wrote. 

See more of these couples in this episode of Pushpins.  

Napakinggan niyo na ba ang mga kanta nila?