• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa unang pagkakataon, ipinakita na ni Alice Dixson sa social media ang mukha ng kanyang baby girl na si Aura.

Alice Dixson, ipinakita na ang mukha ng baby niya

Sa unang pagkakataon, ipinakita na ni Alice Dixson sa social media ang mukha ng kanyang baby girl na si Aura.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/05/2021 03:46 PM
Alice Dixson, ipinakita na ang mukha ng baby niya
Photo credit to @alicedixson Instagram

Sa unang pagkakataon, ipinakita na ni Alice Dixson sa social media ang mukha ng kanyang baby girl na si Aura.

Sa Instagram Stories, nag-post ang aktres ng retrato nila ng kanyang anak na naka-" costume para sa Halloween. 

May suot mang eye mask bilang parte ng kanyang costume, kitang kita ang mukha ni baby Aura sa nasabing post, salungat sa kanyang mga retrato na naibahagi ng kanyang ina noon.


Alice Dixson, ipinakita na ang mukha ng baby niya

Matatandaang Abril nitong taon nang inanunsyo ni Alice na isa na siyang ganap na ina.

"For those of you who really know me, you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year, my wish the same when I blew out my candles. So with great patience, belief, and trust, I am happy to announce my wish has finally come true. Our newest little family member has arrived," aniya sa kanyang post.

Sa Eat Bulaga noong Mayo, ibinahagi ng aktres ang kanyang hiling para kay baby Aura.

"I just hope that she grows up to be a strong woman. My mom was very strong and then I learned from her to really parang be persistent, to look at the bright side of things," aniya.

BASAHIN: Alice Dixson marks first birthday as a mother: ‘Best birthday yet’

Samantala, sa kanyang ika-52 kaarawan noong Hulyo, inilarawan ni Alice ang kanyang baby girl bilang isang "dream come true."

"Looking back at this photo and now having my dream come true; every morning when I wake up smiling back at me makes me teary eyed thinking about the journey. How hopeful every year I was," aniya.

"This year, she is finally here to celebrate with me and every year after," sabi pa niya. "My life has just begun. 52 - my best birthday yet."

 

Hindi man naikwento ni Alice kung papaano ipinanganak si baby Aura, ibinahagi noon ng aktres sa Headstart ng ANC na nasa proseso sila ng kanyang partner ng surrogacy.

"Well my personal journey is super personal, pero sige I will share it. We are still in the process of surrogacy. My partner and I, oo. So I have not given up on that," aniya.

Hindi pa ipinakikilala ni Alice sa publiko ang kanyang partner, ngunit noong Setyembre ay ipinasilip na niya ang mukha nito sa social media. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)