• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Albie Casiño na marami ang nawala sa kanyang proyekto dahil sa isyu kung saan idinawit ang kanyang pangalan.

Albie Casiño, nawalan ng milyon-milyong halaga ng proyekto dahil sa isyung idinawit sa kanya noong 2011

Inamin ni Albie Casiño na marami ang nawala sa kanyang proyekto dahil sa isyu kung saan idinawit ang kanyang pangalan.

Albie Casiño, nawalan ng milyon-milyong halaga ng proyekto dahil sa isyung idinawit sa kanya noong 2011-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/30/2021 03:34 PM
Albie Casiño, nawalan ng milyon-milyong halaga ng proyekto dahil sa isyung idinawit sa kanya noong 2011
Photo credits to @thestallion09 Instagram

Ibinahagi ni Albie Casiño na hindi lang ang personal na buhay niya ang naapektuhan sa isyu kung saan idinawit ni Andi Eigenmann ang kanyang pangalan kundi pati na ang kanyang kabuhayan.

Sa panayam ni Albie sa Cinema News, tinanong ito kung bakit nahihirapan siyang patawarin si Andi Eigenmann.


Matatandaang idinawit ni Andi ang kanyang pangalan noong 2011 at sinabing siya ang ama ng noo’y dinadala nito na si Ellie Eigenmann.

Noong mga panahong iyon, nasa rurok ng kanyang kasikatan si Albie na kapareha ni Kathryn Bernardo. Bumida ang dalawa ang sa seryeng Mara Clara kasama si Julia Montes. 

Sa kalaunan, napag-alaman na hindi si Albie kundi si Jake Ejercito ang ama ni Ellie. Nakumpirma ito dahil sa isinagawang DNA test. 

Nitong Oktubre, kumalat ang isang screenshot nang naging pag-uusap nina Albie at Andi sa isang messaging app kung saan sinabi ni Albie na wala na okay na sa kanya ang lahat. 

Sa parehong panayam, inilahad ng aktor na may mga proyekto na aabot sa milyon-milyon ang halaga ang nawala dahil sa pagkakasangkot sa kanya sa nasabing isyu.

“Let’s take away all of the bashing, all of the defaming my name in public, even my family’s name. They even went up [to] my mom, all the while knowing I wasn’t the dad. Let’s take that out of the consideration,” aniya.

“How about I lost a lot of millions of pesos worth of projects and endorsements from that? And it wasn’t just a P100,000, bro. It’s a million pesos worth of, I guess, damages,” dagdag pa niya.

“That’s literally money they put out of my bank account. That’s money that could have changed my family’s life. Money that could have changed my life, right? So how can I be okay with them? Why would I be okay with them?” sambit pa ni Albie.

Albie Casiño, nag-sorry sa mga binitawang salita tungkol kay Andi Eigenmann

Bagama’t muling naging aktibo si Albie sa showbiz nitong mga nakaraang taon, ang naging pagsabak niya sa Pinoy Big Brother ang nagbigay-daan upang mas lubusang makilala ang tunay na siya. 

Ani Albie, “life-changing” ang naging karanasan niya dito.