Marco Gumabao pakakasalan ang susunod na magiging girlfriend

Apat na taon na daw na single si Marco Gumabao.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/03/2021 03:01 PM
Marco Gumabao pakakasalan ang susunod na magiging girlfriend
Photo credit to @gumabaomarco Instagram

Hindi raw babae in particular ang dahilan kung bakit nasabi noon sa PUSH ni Marco Gumabao na siya ay inspired. May iba raw kadahilanan kung bakit siya inspirado ngayon.

“It doesn’t mean na whenever you say you’re inspired is always because of one person. Puwedeng with work, with family, with friends,” katwiran sa amin ni Marco.

“I’m sure everyone is inspired. Kayo, hindi ba kayo inspired? Bakit tayo magtatrabaho kung hindi tayo inspired? And being inspired is one of the best things to feel for yourself. If you’re not inspired, eh, di wala ng kuwenta yung ginagawa mo, di ba?


“Inspired ako in general and I’ve always inspired. Why? Because I’m a very optimistic person. Even though you’re down on the ground you still have to think that you are inspired because first of all siyempre sino bang pinaka source of inspiration nati—God and your family and of course your friends also,” dire-diretsong paliwanag ni Marco sa PUSH sa ginanap na virtual presscon ng pelikulang My Husband, My Lover kung saan isa siya sa mga bida.

READ: Si Ivana Alawi na ba talaga ang inspirasyon ni Marco Gumabao?

Matagal nang walang love life si Marco. Ayon sa hunky actor, four years na raw siyang walang girlfriend ngayon.

“But of course, I date. I get to know women,” deklara niya.  “Pero siyempre at the same time, gusto ko kasi my next girlfriend to be yon na yung magiging wife ko.

“Kumbaga, ayokong magsayang ng oras, ayokong magsayang ng effort, ng pera. Pandemic pa naman ngayon bakit tayo magsasayang ng pera, di ba?” katwiran niya.

Eh, ano ba ang hinahanap niya sa future girlfriend na eventually ay pakakasalan din niya?

Tugon ni Marco, “Naghahanap ako ng tao na talagang makaka-klik ko, at the same time importante sa akin talaga is Christian siya. Or kung hindi man siya Christian basta yung open siya. At the sam time dapat yung makaka-jive din yung family ko.

“Ayokong sabihing choosy ako pero ngayon parang very maingat ako sa gusto kong  piliin sa next girlfriend ko.”

READ: Marco Gumabao nagpaalam kay Jake Cuenca bago makipag-love scene kay Kylie Verzosa

Sa edad na 27 ay hindi raw naman siya nagmamadaling makipagrelasyon.

“Hindi ako nagmamadali. I still have a lot of years to work on myself, so it will come. I know that God will give me the best girlfriend.

“Kasi nakakalungkot na ang daming tao na, ‘Ah for this age dapat kasal na ako.’ Life is not a race, eh, di ba? It’s a marathon, on your own pace kumbaga.  Wag mong ikukumpara yung best friend mo sa ‘yo.

“Ako, si Pat Sugui who is one of my best friends and ikakasal na siya soon. So parang ang daming nagtatanong sa akin na parang, ‘Oh, ikaw kailan ka?’ ganyan-ganyan. Sabi ko, sa loob-loob ko, alam n’yo ba na I’m happy with my family. I’m happy alone as of the moment. I’m happy spendin time with my workmates. So yon, parang ang sarap lang.

“Hindi naman kasi love relationship ang pinakabasehan ng pagiging happy mo. Kasi ang pinakadapat basehan ng happiness mo, well for me ha, is God. And you don’t have to draw that happiness from another person. Kasi kung mawala yung taong yon di lugmok ka, di ba?” paliwanag ng actor.

Anyway, kasama ni Marco sa My Husband, My Lover sina Kylie Verzosa, Adrian Alandy, at Cindy Miranda. Ang pelikula na idinirek ni Mac Alejandre ay mapapanood sa November 26 sa Vivamax.