• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nakapagtimpi si Heart Evangelista sa isa na namang basher.

Heart Evangelista, sinupalpal ang isang netizen

Hindi nakapagtimpi si Heart Evangelista sa isa na namang basher.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/03/2021 08:50 AM
Heart Evangelista, sinupalpal ang isang netizen
Photo credit to @iamhearte Instagram

Hindi napigilan ng aktres na si Heart Evangelista na sagutin ang isang netizen na nag-iwan ng hindi kaaya-ayang komento tungkol sa kanyang kili-kili. 

 

 

Sa nasabing Instagram post, makikitang magkatabi sina Heart at ang kanyang mister sa iisang upuan. 

Ngunit ilang oras pa lamang lumipas nang ibahagi ni Heart ang larawan kasama ang kanyang asawa, nakatanggap na agad ito ng pangba-bash. 

Saad ng netizen: “Parang lukot-lukot ang kili-kili niyo?” 

Dahil dito, sinupalpal ni Heart ang netizen at sinabing: “Hi perfect! Habang may dugo ka sa katawan, your skin will move, bulge, wrinkle or stretch. Di naman wax figure unless pa edit ko? Ayoko naman ‘yun. Stay perfect. Pa-share naman tips.”

Tingnan ang litrato sa ibaba: 

 

 

Hindi ito ang unang beses na na-bash si Heart. Hindi rin ito ang unang beses na sumagot siya sa kanyang mga bashers. 

Noong 2019, tinawag ng isang netizen na plastic si Heart habang nag-iikot sa probinsya ng Sorsogon. 

Bwelta naman ni Heart: "You may say what you want. I am only answerable to God. Life is too short my dear (if you only knew the battles we all face and how fast our time here on earth is). Do good and do everything from your heart. At the end of the day I did my part... I served my purpose. Pray before you post.” 

READ: Heart Evangelista responds to a basher calling her ‘plastic’

Matatandaang tinawag naman noon na “privileged” at “out of touch” si Heart dahil sa pagsusuot niya ng fashionable na personal protective equipment o PPE. 

“YOU have caused me so much sadness. I honestly don’t know what to do about myself. 2 days you’ve been at it,” sagot ni Heart. 

Dagdag pa niya: “I express myself through my art and fashion. I have not done anything wrong. Using my image to create hate is wrong... still I will wish you well. God bless.” 

READ: Heart Evangelista reacts to basher calling her ‘privileged’, ‘out of touch’

Nitong nakaraang buwan lamang, tinawag si Heart ng isang netizen na “baog” dahil hindi umano sila magkanak ng kanyang asawa. 

Sagot naman ni Heart: “Ulol—the only word you can understand.”