• Home
  • Fresh Scoops
  • Narito ang ilang sikat na artista na nagsimula sa pagsali sa mga talent and reality programs.

Mga sikat na artistang nagsimula sa reality show Part 3 | Pushpins

Narito ang ilang sikat na artista na nagsimula sa pagsali sa mga talent and reality programs.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/29/2021 04:30 PM
Mga sikat na artistang nagsimula sa reality show Part 3 | Pushpins
Photo credits to @garciajoshuae, @zephanie, @darrenespanto, @acbonifacio and @imjoaoconz Instagram

Ang pagsali sa isang reality show o talent search ay isang paraan para makilala sa entertainment industry, pero hindi ito ganoon kadali dahil kailangan muna mapatunayan ang husay ng talento at mag-standout sa libo-libong auditionees. 

Gaya na lamang ng mga artistang nagsimula sa reality shows. 

Sinu-sino sila?    


Let's find out.    

 

AC Bonifacio 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @acbonifacio

Unang nakilala si AC Bonifacio nang sumali at manalo ito sa reality dance competition na Dance Kids noong 2016. 

Sumali rin si AC sa Your Face Sounds Familiar: Kids noong 2017 where she finished as 3rd placer. 

Matapos ito ay naging regular si AC sa Kapamilya noontime variety show na ASAP Natin ‘To. 

Maliban sa mga trending dance covers ay nakapagrelease na rin si AC ng songs gaya ng Slide Into My DM at Touch and Move

Recently, inilabas na ni AC ang kanyang hit single na Fool No Mo under Star Magic Records. 

 

Darren Espanto 

Si Darren Espanto ay itinanghal na second placer ng sumali ito sa reality singing competition na The Voice Kids Philippines noong 2014. 

Namayagpag ang singing career ni Darren at nakapagrelease ng self-titled album na naging double platinum, at ang second studio album na Be With Me. 

He also staged several concerts, kasama na ang kanyang first solo concert at the age of 14 na The Total Performance, kung saan nagkaroon ito ng dalawang repeat concerts. 

Maliban sa pagiging regular performer sa ASAP ay nakapagrelease rin si Darren ng bagong single ngayong taon titled Tama Na. 

 

Zephanie 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zephanie (@zephanie)

Si Zephanie ang kauna-unahang itinanghal na grand winner ng reality singing competition na Idol Philippines noong 2019. 

Isa sa mga napanalunan ni Zephanie ay ang kontrata mula sa Star Music, kung saan nakapagrelease siya ng kanyang EP na Pangarap Kong Pangarap Mo. 

Matapos ang release ng kanyang mga hit single ay nagkaroon din ng first major concert si Zephanie na ginanap sa New Frontier Theater. 

Noong September 2021 ay inanunsyo ng global pop group na Now United na isa si Zephanie sa 12 Uniters na kasama sa Boot Camp na gaganapin sa Abu Dhabi. 

 

Joao Constancia 

Unang ipinakita ni Joao Constancia ang kanyang talento nang sumali ito sa reality singing competition na Pinoy Boyband Superstar at naging parte ng winning group na BoybandPH. 

Sumabak din sa pag-arte si Joao at nabigyan ng role sa teleseryeng Ngayon at Kailanman at pelikulang Four Sisters Before the Wedding

Naging hit din ang kanyang single na Pretty Mama na inilabas niya noong May 2021. 

Isa rin sa main cast members si Joao ng series na He's Into Her. Agosto ng taong ito ay inanusyong magbabalik ang programa para sa season 2. 

  

Joshua Garcia 

Nagbukas ang maraming proyekto para kay Joshua Garcia matapos itong sumali sa reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014. 

Sumabak agad sa pag-arte si Joshua sa seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, na nasundan pa ng ibang teleserye gaya ng The Good Son at The Killer Bride

Tumatak din sa publiko ang mga nagawa niyang pelikula tulad ng Vince and Kath and James, Love You To The Stars and Back, at Block Z. 

Noong October 2021 ay inanunsyo rin na kasama si Joshua sa Darna: The TV Series na inaasahang mapapanood sa susunod na taon. 

Kasalukuyang busy ngayon si Joshua sa kanyang bagong serye na Viral Scandal. 

 

See more of these celebrities in this episode of Pushpins.

'

Anong masasabi niyo sa journey nila?