• Home
  • Fresh Scoops
  • Binigyang-diin ni Barbie Imperial na walang gusto si Diego Loyzaga kay AJ Raval.

Barbie Imperial, may mensahe para kay AJ Raval: ‘If hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka’

Binigyang-diin ni Barbie Imperial na walang gusto si Diego Loyzaga kay AJ Raval.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/29/2021 06:15 PM
Barbie Imperial, may mensahe para kay AJ Raval: ‘If hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka’
Photo credit: AJ Raval Facebook (right)

Muli na namang naglabas ng matapang na pahayag ni Barbie Imperial tungkol sa mga isyu na ibinabato sa kanila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga — kabilang na ang pagkakaugnay ng huli sa aktres na si AJ Raval. 

 

 

Sa panayam ni Barbie kay Boy Abunda para sa Best Talk ng Cinema One, pinabulaanan ni Barbie ang mga kumakalat na tsismis na pumupunta pa si Diego sa Pampanga para bisitahin si AJ. 

“Lahat ng binibintang sa kanya, na nambababae siya, na pinupuntahan niya si AJ Raval sa Pampanga, hindi totoo ‘yun,” saad ni Barbie. 

“Kung kaya ko lang sabihin live na hindi totoo, sasabihin ko. Pero ayoko naman na kasi mangsira ng ibang babae,” ani Barbie.

Nilinaw naman ni Barbie na ang mga lumalabas na video kung saan makikita na magkasama sina Diego at AJ ay galing sa taping ng pelikula na ginawa ng dalawa. 

READ: Diego Loyzaga, pinabulaanan ang mga akusasyon ni Xian Gaza tungkol kay Barbie Imperial

Ani Barbie, sana magsalita umano si AJ kung alam niya sa sarili niya na hindi totoo ang mga isyung binabato sa kanya. 

“’Yung about kay AJ Raval, for me kasi, ‘di ba, if wala kang kinalaman or alam mo naman na hindi ka, like, kabit ni Diego, magsalita ka. Bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-‘thing’ kayo ni Diego?” sambit pa niya. 

 

 

Sinabi din ni Barbie na may pinanghahawakan siyang magpapatunay na si AJ ang nagbabato ng mga impormasyon kay Xian Gaza.

“And I heard, like, I have a a proof na AJ and Xian Gaza are friends. And they really talked about … she feeds him info ng mga tsismis,” ani Barbie. 

EKSKLUSIBO: Barbie Imperial, matapang na sinagot ang mga isyung binabato sa kanila ni Diego Loyzaga

Naging magkaibigan umano sila noon ni AJ dahil sa best friend nitong si Axel Torres na minsan nang naging boyfriend nito. 

“Actually, friend ko siya noon. Tinanggap namin siya, sobrang bineybi namin sia sa grupo namin kasi nga ano, girlfriend siya ng best friend ko na si Axel [Torres],” aniya. 

Binigyang-diin din ni Barbie na wala umanong gusto si Diego kay AJ. 

“Nagulat lang ako na ang daming nangyayari, na okay gusto mong maging kabit. Eh hindi ka nga gusto ng boyfriend,” aniya.