• Home
  • Fresh Scoops
  • Jeffrey Hidalgo says his new film ‘Eva’ is a combination of different kasambahay stories.

Jeffrey Hidalgo says his first erotic film is about sexual exploration and discovery of a common kasambahay

Jeffrey Hidalgo says his new film ‘Eva’ is a combination of different kasambahay stories.

Jeffrey Hidalgo says his first erotic film is about sexual exploration and discovery of a common kasambahay-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/28/2021 05:42 PM
Jeffrey Hidalgo says his first erotic film is about sexual exploration and discovery of a common kasambahay
Photos by Angeli Khang and Jeffrey Hidalgo

Director na ng erotic film na ang dating Smokey Mountain member na si Jeffrey Hidalgo. Tungkol sa sexual exploration and discovery of a common kasambahay ang tema ng kanyang unang pelikula sa Viva Films na ang title ay Eva. Pinagbibidahan ito Angeli Khang bilang si Eva kasama sina Ivan Padilla, Marco Gomez, Quinn Carillo, at Angelica Cervantes.

Angeli Khang


“It’s from real accounts actually. Yung mga kuwento sa Eva nanggaling talaga sa kuwento ng mga kasambahay, pinagsama-sama lang namin. Pag napanood ninyo, mapapaisip kayo, ‘May nangyari bang ganun?’ Yes at isinama lang namin sa kuwento,” lahad ng singer turned director tungkol sa konsepto ng kanyang pelikula.

Ano ba ang kaibahan nito sa ibang erotic genre na ginawa nina Direk Brillante Mendoza, Law Fajardo, at Roman Perez Jr. na na ipinalabas sa Vivamax?

“Hindi ko pa napapanood yung movie ni Direk Brillante (na Palitan) so, hindi ko pa nakikita yung style ng erotica niya. Of course, I’m a fan of the works of Direk Roman, gustong-gusto ko yung Taya at House Tour. Si Direk Law, of course, isa sa mga tinitingala ko yan.

“I think ang kakaiba sa mga films na gagawin ko, sa mga pinitch ko sa Viva, I guess yung kina Direk Roman, Direk Law, side note lang yung sex. Yung films namin is all about sex.

“Eva must be the bravest erotic film kasi nga it’s really primarily about sex. Hindi side note lang ang sex,” diin pa ni Direk Jeffrey.

READ: Jeffrey Hidalgo gustong magdirek ng mga erotic films sa Viva

Giit ulit niya, “My vision for the film is to really talk about the sex life of our common kasambahay. Siguro what sets apart from the other erotic films is it’s really an apologetically sexual because that is the theme of the movie. It’s all about the sexual exploration and discovery of Eva. It’s also about sexual politics in a way, na parang just like in life, we tend to have preferences when it comes to power and position and that’s what the film talks about.”

Ayon pa sa direktor, wala siyang nakikitang masama na gawing tema ang sex sa kanyang mga pelikula.

“It’s about time na dapat pag-usapan ang sex na feeling ko rin naman sa ngayon na mas nagiging open na ang mga Filipinos about sexual content on streaming platforms. Mas p’wede siyang pag-usapan na hindi kagaya before na parang medyo taboo ang dating sa kanila.

“So yon nga, I think, there’s no shame in talking about it because, ang feeling ko, kami yung nangahas to open up the topic for everyone else. I think it’s about time that we educate the audience and give them something more intelligent, even though it’s about sex, it’s not just all about sex. It’s all about the psychology of Eva. It’s about sexual politics and stuff.

“Yon ang mga bagay na malalaman nila when they watch the whole film. Ang whole objective namin with releasing teasers and trailers is for them to get watch the film. Sana ma-realize nila yung lalim at saka yung message na gusto rin naming ibigay sa mga tao,” dire-diretsong paliwanag ng direktor.

READ: Angeli Khang on doing multiple bed scenes in ‘Mahjong Nights’: ‘Hubo’t hubad ako doon’

Ibinahagi rin ni Jerrey na naging okey naman daw ang karanasan niya working with the cast of Eva na first time din niyang nakatrabaho.

“Unang-una si Ivan yung pinakamatagal ko nang kilala, though I never really worked with him but nag-read na rin siya sa akin for another project before. At saka alam ko naman ang capabilities niya dahil napanood ko na yung mga pelikula niya like 12 (with Alessandra de Rossi). So, alam ko na talaga yung capabilities.

“So, with this one naman I’m just so happy na he trusted me kasi nga I think first time niyang medyo nag-all out pag dating sa sexy scenes. Hahaha! Ako yung nagbinyag yata sa kanya,” sabay tawa niya.

“Si Angelica, ngayon ko lang din nakatrabaho and very, very smooth-sailing, madali siyang kumuha ng instruction and ’yun nga, she trusted me with all the scenes kasi nga lahat ng anim na cast na nandito, in some way or another, may ginawa silang medyo sensitive scenes.

“Same with Quinn who is actually kakaiba ’yung role niya because she’s a transman supposedly here in the film. Nagustuhan ko rin ’yung atake niya doon sa role at nakikinig din talaga siyang mabuti. So, I’d like to really work with her again.

“Si Marco kasi yung roles niya before sa mga ibang pelikula ay palaging maangas, dito naman iniba namin ang character niya. Sinabi ko kasi sa kanilang lahat na what I love doing kasi when I work with my actors in a project is to always make them create a character that they’ve never done before ’cause ganu’n din ang ginawa ko sa dati kong films like kay Piolo (Pascual), kay Rhian (Ramos), kay Jasmin (Curtis Smith), JC (De Vera). Gusto na lagi silang nagki-create ng kakaibang something na hindi pa nakikita ng mga tao from them.

“At siyempre, ang ating bida na si Angeli, napanood ko lang siya before sa Taya. So, ibang-iba siya dito. At the same time, napanood ko na lang yung Mahjong Nights after naming mag-shoot ng Eva kasi nag-start palang mag-stream while we were doing Eva. And natuwa ako kasi ibang-iba naman siya rito sa movie as compared to her other appearances sa Taya and saka sa Mahjong Nights.

“So, lahat sila may potential kasi mga medyo baguhan most of them. And I really love to work with all of them in the future projects as well,” pagmamalaki niya sa buong cast.