• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagama’t dinepensahan ni Heaven Perelajo ang kanyang sarili, binawi rin niya agad ang kanyang naging pahayag.

Heaven Perelajo, dinepensahan ang sarili; nagpasalamat sa ’science lesson’

Bagama’t dinepensahan ni Heaven Perelajo ang kanyang sarili, binawi rin niya agad ang kanyang naging pahayag.

Heaven Perelajo, dinepensahan ang sarili; nagpasalamat sa ’science lesson’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/28/2021 06:16 PM
Heaven Perelajo, dinepensahan ang sarili; nagpasalamat sa ’science lesson’
Photo credits: @heavenperalejo on Instagram

Dinepensahan ni Heaven Peralejo ang kanyang sarili matapos mabash ngunit sa kalaunan ay nagpasalamat din dahil sa “science lesson” ng ilang netizens. 

Nakatanggap ng sunod-sunod na pambabash si Heaven dahil sa post kung saan binanggit nito ang “22 rotations around the sun” ukol sa kanyang ika-22 na kaarawan. 


READ: Heaven Peralejo marks 22nd birthday

Ngunit ayon sa ilang netizens, ang pag-rotate o pag-ikot ng mundo sa sarili nitong axis ay katumbas ng isang araw kaya naman may 365 rotations umano ang isang taon.

Samantala, ang isang revolution naman ng earth sa sarili nitong orbit ay katumbas umano ng isang taon kaya naman 22 revolutions, ayon pa sa ilang netizens. 

READ: Kimpoy Feliciano defends Heaven Peralejo: ‘Wala naman pong masama kung may iba akong kasama’

Gayunpaman, iginiit ng netizens na mali pa din umano si Heaven dahil hindi umiikot ang mundo sa araw kundi sa sarili nitong axis.

“Heaven, nako the Earth doesn't rotate around the Sun. It revolves. Rotation - spinning motion about its own axis. Revolution - object's orbital motions around another object. Hindi naman axis ng earth ang sun. Never magkaka rotations around the Sun,” saad ng isang netizen. 

“22 rotations around the sun and cheers to more. Grateful for all the lessons, blessings, and people in my life that have helped shape the woman I’m becoming. Here’s to thriving, smiling, and riding through the waves of life!” saad ni Heaven sa caption ng nauna niyang post. 

Matapos makatanggap ng pambabash mula sa mga netizens, agad na nag-live si Heaven sa Instagram kasama ang kanyang kaibigan upang depensahan ang kanyang sarili. 

“May isyu na naman sa akin. Ano ‘yun? Like 22 rotations around the sun, okay? Gets ba?” sey ni Heaven sa caption ng kanyang post. 

“Kasi ‘di ba 22 rotations around the sun is one year? So 22 rotations around the sun is 22 years, you guys,” depensa pa ng kaibigan ni Heaven na si Vianney.

Agad namang bumanat ang ilang netizens na sinabing nakuha pa nitong depenesahan ang kanyang sarili imbes na aminin umano ang kanyang pagkakamali. 

“Oy ang late pero Heaven. Ano ba. Di talaga agad tinanggap na mali yung rotation rotation mo dyan? Hshdhdhd nilive pa nga kasama tropa. Yoko na,” sey naman ng isang netizen. 

Pero tila natanggap din ni Heaven ang kanyang pagkakamali matapos palitan ang “rotations” ng “revolutions” sa kanyang caption. 

“*Edit: Thank you for the science lesson guys!” sambit ni Heaven sa dulo ng kanyang caption. 

Samantala, sinagot din ni Heaven ang mga spekulasyon sa post kung saan binati siya ni Kimpoy Feliciano.

Ani Heaven, hindi porke’t magkasama ang dalawang tao ay mag-dyowa na agad ito. 

READ: Heaven Peralejo at Kimpoy Feliciano, mag-dyowa na?

Gayunpaman, hindi niya diretsahang sinagot ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Kimpoy.