• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ni Ellen Adarna na sagutin ang isang netizen na pinuna ang kanyang cleavage.

Ellen Adarna, bumuwelta sa isang basher na pinuna ang kanyang katawan

Hindi napigilan ni Ellen Adarna na sagutin ang isang netizen na pinuna ang kanyang cleavage.

Ellen Adarna, bumuwelta sa isang basher na pinuna ang kanyang katawan-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/28/2021 10:50 AM
Ellen Adarna, bumuwelta sa isang basher na pinuna ang kanyang katawan
Photo credit: @maria.elena.adarna Instagram

Hindi napigilan ng aktres na si Ellen Adarna na sagutin ang isa sa kanyang mga bashers.

Pinuna ng isang netizen ang isang litrato kung saan makikita ang cleavage ng aktres.


Sey ng netizen: “Why [does] the cleavage [have] folds? Diba nakita na ng picture ‘yan?” 

Hindi naman napigilan ni Ellen na sagutin ang nasabing netizen at sinabing lumiit ang kanyang boobs dahil sa pagbi-breastfeed sa kanyang anak na si Elias.  

“My boobs, from watermelons, turned into pancakes after breastfeeding. Enjoy yours ‘cause it won’t be as perky as your profile pic forever,” saad ni Ellen. 

Paliwanag naman ng netizen na nagtatanong lamang siya kung hindi man lang umano inayos ang kanyang cleavage bago ginawa ang photoshoot.

“Of course, no doubt about it. Understandable. Just wondering if they didn’t choose to arrange it a bit but if that’s the preference, all good wala naman masama. Just asking,” sagot ng netizen kay Ellen. 

BASAHIN: Ellen Adarna bumuwelta sa basher nila ni Derek Ramsay

Ang walang pakundangang sagot naman ni Ellen, nagsasabi lamang siya ng pawang katotohanan.

“I was just answering your question and stating facts,” buwelta naman ni Ellen. 

Binigyang-diin ni Ellen na sinagot niya ang katanungan hindi dahil sa public figure siya. 

“Public figure or not, bottom line is you asked and I responded factually,” aniya. 

Nagawa pang tanungin ni Ellen kung ano ang inaasahang sagot sa kanya ng netizen at sinabing: “What of response were you expecting?”