• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘My Husband, My Lover’ actress Cindy Miranda explains why she doesn’t mind showing skin onscreen.

Cindy Miranda shares advice to beauty queens who want to get into acting: ‘Huwag mong i-limit yung sarili mo’

‘My Husband, My Lover’ actress Cindy Miranda explains why she doesn’t mind showing skin onscreen.

Cindy Miranda shares advice to beauty queens who want to get into acting: ‘Huwag mong i-limit yung sarili mo’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

11/28/2021 07:06 PM
Cindy Miranda shares advice to beauty queens who want to get into acting: ‘Huwag mong i-limit yung sarili mo’
Photo credits: @cindy on Instagram

In her latest role as Alice in the the Vivamax film My Husband, My Lover, Cindy Miranda said she was really looking forward to getting the chance to play the role of an independent and outspoken woman.

“I was so excited of course to say those lines kasi yung pagkatao ko in real life very introverted. Hindi ko kayang mag-confront ng mga tao. Hindi ko kayang sabihin yung mga ganyang lines na matatapang. Minsan may galit tayo, we just want to say kung ano yung na-fi-feel natin. Hindi ko yun kaya. Parang hindi ko kayang makasakit ng tao. Parang may ganun ako. So ang good thing talaga dito, pag umaarte ka nagagawa mo yung mga bagay na hindi mo nagagawa in real life. So I was happy to say those lines sa movie,” she said.

READ: Cindy Miranda on doing a love scene with Mark Anthony Fernandez in ‘House Tour’: ‘Ang sarap niyang katrabaho’


Even though she is known as a daring actress, Cindy shared that there is more to her than showing skin onscreen.

“We want to become serious actresses, not just a sexy actress. So we’re really trying hard to show na hindi lang yun yung kaya namin ipakita, not just the body. We want to prove to them that we can really act, we’re serious actresses, we can be dramatic actresses. I’ve done movies na wala ng sexy scenes and I hope tangkilikin pa rin ng mga tao kahit wala kaming ipakita sa movie na sexy scenes na nakita nila sa ibang movies namin. Kasi we’re doing this because we’re actresses. Para sa character yun. Not because yun yung gusto namin talaga. We’re working on our roles sa acting namin para seryosohin kami ng tao as actresses, na hindi nila kami ilagay dun sa ‘she’s a sexy actress. She’s just showing her body,’” she explained. 

READ: Cindy Miranda, bilib sa pagiging strong ni Kylie Padilla

During the My Husband, My Lover mediacon, Cindy shared how another beauty queen reached out to her for advice.

“Our Miss Universe Rabiya (Mateo) she actually messaged me. I think she wanted to become an actress talaga. May nagsabi din sa akin na reporter na she wanted to become an actress. And then she just messaged me na sobrang tuwang tuwa daw siya sa akin. Nakaka-inspire daw ako kasi nakikita niya na yung mga posts ko. And I think she wanted to become an actress. Sabi ko nga sa kanya I wanted to meet her soon kasi never pa kami nag-meet in person. Natutuwa ako fina-follow niya ako, tinitingnan niya yung mga stories ko and she’s so inspired. Sana makatrabaho ko siya soon kasi I think puwede siya maging actress di ba, why not? Lahat naman eh,” she said. (Rabiya has since signed a management contract.)

The former Miss Tourism Philippines title holder also shared some advice for beauty queens who are also considering entering showbiz.

“Kung anong gusto mo, gawin mo. Huwag mong i-limit yung sarili mo just because you’re a beauty queen. Nahirapan din ako dun at first na dun ka lang nila nakikita. As a beauty queen, mahinhin, hanggang dito ka lang, maganda, kontrabida, whatever. But you know sabi ko nga yung pagkatao ko yung rules talaga gusto kong bini-break, ganyan. I wanted to do this. Bakit hindi ko yun kayang gawin? I was able to become a beauty queen. Why not become a actress? What’s the difference? Naging beauty queen ka, you can become an actress as well. And yung training namin to become a beauty queen it’s discipline, how you carry yourself. May pagkakaiba pero it’s the same thing. Discipline yan sa sarili, sa pagiging aktres, kung paano mo gusto ipakita yung sarili mo,” she advised. 

As for those who are not supportive of her current career path, Cindy defended her decision to pursue her passion for acting. “Ito yung ginagawa namin, we’re actors. Hindi si Cindy ito. Bahala na sila if they want to judge us in this movie but we’re just playing the characters. At least napaniwala namin sila sa character na ginagampanan namin. Mahirap gumawa ng isang bagay na hindi ikaw. But for me talaga as an actor, when I play yung character ko hindi ako beauty queen, hindi ako si Cindy. I need to forget about it. I just need to focus sa character ko. And pagdating ko sa set, ako na yung character ko. Hindi na ako si Cindy. So sana tanggapin nila yung transformation namin from beauty queen to being an actress. Thank you kasi they’re concerned about us dahil sa image namin. But we need to remind them that this is the characters that we play,” she added. 

Watch Kylie Verzosa and Cindy Miranda in the Vivamax Original movie, My Husband My Lover. Streaming exclusively on Vivamax. Directed by McArthur Alejandre.