• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi makapaniwala si Chie Filomeno sa pagmamahal at sumuporta na natanggap niya paglabas niya ng Bahay ni Kuya.

Chie Filomeno, labis-labis ang pasasalamat kay Big Brother: ’10 years in the making’

Hindi makapaniwala si Chie Filomeno sa pagmamahal at sumuporta na natanggap niya paglabas niya ng Bahay ni Kuya.

Chie Filomeno, labis-labis ang pasasalamat kay Big Brother: ’10 years in the making’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/28/2021 06:51 PM
Chie Filomeno, labis-labis ang pasasalamat kay Big Brother: ’10 years in the making’
Photo credits: @chiefilomeno on Instagram

Malaki ang pasasalamat ni Chie Filomeno sa programang Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 dahil sa pagkakataong ibinigay nito upang mas makilala pa siya ng publiko.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)

Sa isang Instagram post, sinabi ng tinaguriang Calendar Vixen ng Antipolo na habang buhay niyang bibitbitin ang mga aral na natutunan niya sa loob ng bahay ni Kuya. 


READ: Kyle Echarri, Chie Filomeno, and Albie Casino are the new celebrity housemates of ‘PBB: Kumunity season 10’

“Isang linggo na ang nakalipas mula nung nagpaalam ako sa bahay ni Kuya. Hindi ko alam kung saan magsisimula pero gusto kong mag pasalamat kay Kuya sa mga aral na habang buhay kong bibitbitin,” saad ni Chie. 

Ani Chie, pinapatatag sila ni Kuya tuwing pinanghihinaan sila ng loob sa mga hamon nito. 

“Kuya, you always know the right words to say when we’re all an inch close to giving up at sa mga WOW mo mas napapatatag mo kami,” ani Chie. 

READ: Kapatid ni Chie Filomeno, dumepensa; pambabatikos, inalmahan

“Sobrang dami ko po natutunan while I was your housemate and will surely keep all of the learnings in mind and heart hanggang dito sa outside world,” ani Chie. 

Malaki din ang pasasalamat ni Chie dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanya na mas makilala kung sino talaga siya. 

“Kuya, salamat dahil ipinakita mo sa outside world ang Chie na hindi pa nila nakilala at salamat dahil sa’yo, kuya, nagkaroon ako ng isa pang pamilya,” ani Chie. 

READ: PBB ex-housemates Albie Casiño, Chie Filomeno, and John Adajar name their ‘Big Four’

Pinasalamatan din ni Chie ang lahat ng sumuporta at nagpakita ng pagmamahal para sa kanya. 

“Sa lahat po ng nagmahal at sumuporta sa journey ko sa loob at labas ng bahay maraming maraming salamat po, ramdam na ramdam ko ang overflowing love na ibinibibigay niyo! This is not the end of the journey for us. LABAN!” aniya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)

Ani Chie na sampung taon na ang nakalilipas mula nang magsimula showbiz: “10 years in the making, worth the wait, Kuya!! Mahal na mahal kita!”