• Home
  • Fresh Scoops
  • Narito ang ilang celebs na sumali muna ng reality TV bago sumikat bilang artista.

Mga sikat na artistang nagsimula sa reality show Part 2 | Pushpins

Narito ang ilang celebs na sumali muna ng reality TV bago sumikat bilang artista.

Mga sikat na artistang nagsimula sa reality show Part 2 | Pushpins -Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/27/2021 08:56 AM
Mga sikat na artistang nagsimula sa reality show Part 2 | Pushpins
Photo credit: @loveangelinequinto, @maymay, @james, @kztandingan and @mrandmrsfrancisco Instagram

Ang pagsali sa isang reality show o talent search ay isang paraan para makilala sa entertainment industry, pero hindi ito ganoon kadali dahil kailangan muna mapatunayan ang husay ng talento at mag-standout sa libo-libong auditionees. 

Gaya na lamang ng mga artistang nagsimula sa reality shows. 

Sinu-sino sila?    


Let's find out.    

 

Melai Cantiveros 

Unang kinagiliwan ng publiko si Melai Cantiveros nang pumasok ito bilang housemate at kalaunan ay itinanghal na Big Winner sa reality show na Pinoy Big Brother noong 2009. 

Nabigyan ng iba't ibang Kapamilya projects si Melai gaya ng teleseryeng Kokey @ Ako, at pelikulang The Adventures of Pureza: Queen of the Riles. 

Naging host din si Melai ng I Dare You, Happy Yipee Yehey, at Umagang Kay Ganda. 

Ngayon ay busy pa rin si Melai sa kanyang career at araw-araw napapanood bilang isa sa mga hosts ng Magandang Buhay

 

KZ Tandingan 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KZ (@kztandingan)

Si KZ Tandingan ang pinaka-unang nanalo sa reality music competition na The X Factor Philippines noong 2012. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KZ (@kztandingan)

Matapos manalo ay nabigyan siya ng recording contract mula sa Star Records, ang record label ng ABS-CBN. 

Nakapag-release na si KZ ng studio albums kasama ang kanyang self-titled album noong 2013, at ang Soul Supremacy noong 2017. 

Recently, KZ and husband TJ Monterde also released their EP titled Simula which includes songs they composed as a couple. 

Ilan sa mga kantang pinasikat ni KZ ay ang Mahal Ko o Mahal Ako at ang version niya ng Two Less Lonely People in the World. 

 

Maymay Entrata 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Isa si Maymay Entrata sa mga naging Big Winners ng Pinoy Big Brother na nagkaroon ng magandang career paglabas sa outside world. 

Sumabak agad sa pag-acting si Maymay nang mabigyan ng role sa teleseryeng La Luna Sangre, ganoon din sa kanyang debut film na Loving in Tandem. 

Maliban sa pagiging regular sa noontime show na ASAP ay naging host din si Maymay ng mga digital shows gaya ng iWant ASAP at World of Dance Online. 

Pinatunayan din ni Maymay ang kanyang talento sa pagkanta nang i-release nito noong October 2021 ang kanyang single na Amakabogera. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

 

Angeline Quinto 

Taong 2011 nang itanghal si Angeline Quinto na grand winner ng reality talent show na Star Power. 

Matapos ito ay inilabas ni Angeline ang kanyang debut album na Angeline Quinto: Patuloy Ang Pangarap na naging 2x Platinum. 

Napanood din si Angeline sa pelikula at TV series gaya ng Born to Love You at Kahit Konting Pagtingin. 

Parte rin si Angeline ng 2021 TV series na Huwag Kang Mangamba na kakatapos lamang umere nitong Nobyembre. 

Ilan sa mga tumatak na kanta ni Angeline ay ang Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin at Patuloy Ang Pangarap. 

 

James Reid 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by James Reid (@james)

Nagsimula ang showbiz career ni James Reid ng itanghal itong Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Clash edition noong 2010. 

Naging household name si James matapos mapanood sa pelikulang Diary ng Panget noong 2014. 

Nasundan ito ng iba pang projects gaya ng hit series na On the Wings of Love at Till I Met You

Naging judge rin si James ng reality singing competition na Idol Philippines noong 2019. 

Kasalukuyang busy ngayon si James sa pag-produce ng music under his own record label – Careless. 

See more of these celebrities in this episode of Pushpins.  

Anong masasabi niyo sa journey nila?