Maja Salvador, nagpasalamat sa ABS-CBN

Ready for next chapter ng kaniyang career si Maja Salvador.

Maja Salvador, nagpasalamat sa ABS-CBN-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/27/2021 04:12 PM
Maja Salvador, nagpasalamat sa ABS-CBN
Photo credit: @iammajasalvador Instagram

“Every day is still a process for me.”

Ganito ilarawan ng former Kapamilya na si Maja Salvador ang kanyang unti-unting pagtanggap sa naging major career move bilang isang independent artist.

Matatandaan na isa si Maja sa ilang Kapamilya stars na nag-desisyong lisanin ang poder ng ABS-CBN network kasunod ng pinagdaanan nitong franchise non-renewal noong 2020.


Marami man ang kumuwestiyon sa kaniyang pagiging tapat at loyal Kapamilya artist, hindi pa rin maiaalis ang kaniyang pasasalamat sa naging tulong ng ABS-CBN sa kaniyang karera sa loob ng 18 taon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MAJA (@iammajasalvador)

“May proseso pa din sa akin. Of course with 18 years with ABS-CBN very grateful and hindi naman natin wi-nish na mangyari kung ano ang nangyari sa ABS ‘di ba? so ayun, kung nasaan man ako ngayon, I am thankful, blessed ako and kung nasaan at kung ano man ang mga shows na ginagawa ko. But still, every day is a process pa din for me, ‘yung acceptance, ‘yung kung nasaan,” sambit ni Maja sa naging panayam ng entertainment press sa launch ng kaniyang bagong endorsement sa Beautéderm.

Major career move man ang kaniyang ginawang paglisan sa management ng ABS-CBN, aminado ang former Kapamilya na thankful siya sa naging gabay ng Star Magic at ABS-CBN sa kaniyang karera bilang isang artista.

“I am happy kasi, siguro po, ‘yung 18 years ko na ‘yun sa industriya andoon na ‘yung mga experience ko at may mga taong nagtitiwala sa akin kaya hindi pa din po tayo napapabayaan ni God, kaya ang dami rin pong mga offers. Masaya, grateful, but still, andoon pa din tayo sa pag-gising mo, proseso na ‘ay oo nga pala’ ganun,” pahayag ng aktres.

Kasabay ng kaniyang pag-exit sa Star Magic, nagtaguyod si Maja ng sariling management team na humahawak ngayon ng kaniyang karera.