Bea Alonzo sizzles in calendar girl pictorial

Bea Alonzo says being a calendar girl is a dream come true.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/26/2021 04:08 PM
Bea Alonzo sizzles in calendar girl pictorial
Photo credit to Tanduay Rhum official Facebook

Si Bea Alonzo ang napiling calendar girl ng isang sikat na brand ng alak for the year 2022. Kaliga na ni Bea sina Heart Evangelista, KC Concepcion, Ellen Adarna, Barbie Imperial, at Ivana Alawi na pawang naging mga Tanduay calendar girls din.

“La Dolce Vita” ang naging tema ng sexy photo shoot ng aktres para sa naturang brand. 

“Kinakabahan ako at first kasi first time kong gagawa ng sexy photo shoot,” pag-amin ni Bea.


Ikinatuwa naman ng aktres na binigyan siya ng kalayaang makipag-collaborate sa creative team during the shoot.

Excited din si Bea na mapasama sa elite circle ng kababaihan na naging Tanduay Calendar Girls.

Aniya, “Each of them are not only beautiful, but have many admirable attributes as well. They’re strong, independent, and talented.”

Dagdag pa niya, “Hindi ako makapaniwala that I will represent an iconic brand na kilala sa buong mundo. Napakalaking karangalan para sa akin na maging calendar girl ng kompanya.

“It’s actually a realization of one of my dreams. Akala ko nga, at 34, hanggang pangarap na lang siya. I’m thankful na pinagkatiwalaan nila ako ng brand.”

May reaksyon din siya sa nagkukumpara sa kanya kay Ivana Alawi na isa sa pinakaseksing naging calendar girl.

READ: Mga sexy photos ni Ivana Alawi bilang calendar girl

“I have high respect for Ivana. Yung sexiness naman is a relative word . What might be sexy for you, may not be sexy for me,” reaksyon niya.

“For me, sexiness is total package. It’s not all about the physical attributes. It’s also about character and confidence. It’s also being comfortable with your own body.

“Sexy for me is also someone who is beaming with self-confidence. Yung hindi takot to take the challenges she faces,” dagdag niyang paliwanag.

Bilang paghahanda sa sexy pictorial ay inamin ni Bea na kinailangan niyang mag-work out araw-araw.

“Pinaghirapan ko talaga ito. Nag-work out ako almost everyday. It has become a part of my lifestyle since mag-pandemic and it felt good. I managed to lose 15 lbs. in preparation for my endorsements. Good thing na I have a home gym and I can do it in my own pace with the supervision of my fitness trainor,” she said.

READ: Newest calendar girl Barbie Imperial oozes with sexiness in new endorsement shoot

Samantala, sinigurado naman ng brand manager ng kompanya na class at tastefully done ang mga lalabas na sexy photos ni Bea para sa kanilang campaign.

“It was done tastefully with Bea exuding her natural, subtle sexiness into the whole composition. The setting is the countryside, which complemented the calming effect when one looks at Bea,” sey ng senior brand manager na si Marc Ngo.