• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsalita na si kauna-unahang pagkakataon si Barbie Imperial tungkol sa isyung ibinabato sa kanila.

EKSKLUSIBO: Barbie Imperial, matapang na sinagot ang mga isyung binabato sa kanila ni Diego Loyzaga

Nagsalita na si kauna-unahang pagkakataon si Barbie Imperial tungkol sa isyung ibinabato sa kanila.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/25/2021 02:40 PM
EKSKLUSIBO: Barbie Imperial, matapang na sinagot ang mga isyung binabato sa kanila ni Diego Loyzaga
Photo credits to @jdiegoloyzaga on Facebook

Matapang ang mga naging pahayag ng aktres na si Barbie Imperial tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga.

Matatandaang sunod-sunod ang naging isyu tungkol sa kanilang relasyon na nag-ugat sa mga post ng social media personality na si Xian Gaza. 

Sa panayam ni Barbie sa PUSH Bets Live, inamin ng aktres na parehas silang nagulat ni Diego nang lumabas ang isyu lalo pa’t alam niyang masaya ang publiko para sa kanila. 


“Nu’ng nangyari ‘yung issue na ‘yun, nagulat kami. Siguro kasi nasanay na kami na ‘yung mga tao talaga masaya sila para sa amin. Na-feel namin ‘yan nu’ng nag-public na kami ni Diego na parang sabi namin ‘Grabe ang happy ng mga tao sa atin,’” ani Barbie. 

Diego Loyzaga, pinabulaanan ang mga akusasyon ni Xian Gaza tungkol kay Barbie Imperial

Sinabi naman ni Barbie na hindi matitinag ng kahit na anumang paninira ang kanilang relasyon lalo pa’t matibay umano ito.

“And then nu’ng nangyari na may nagta-try na siraan kami na ito daw ginagawa ni Diego, may ganito daw si Diego. Parang, ‘Okay. ‘Yun na ‘yun?’ Parang ‘yun na ‘yung bala niyo para siraan kami ni Diego?’ Masyadong matibay ‘to para sa ganu’n,” aniya. 

Gayunpaman, naging palaisipan sa kanila kung bakit sila sinisaraan gayong wala naman silang ginagawa. 

“And actually, para sa amin ni Diego, nagkaroon ng time na parang ‘Bakit ganoon? Bakit niya tayo sinisira?’ Pero na-realize namin na masaya kami eh. So, sisirain talaga,” ani Barbie. 

Pinabulaanan din ni Barbie ang isyu tungkol sa nangyari umano sa kamay ni Diego. 

“Walang katotohanan ang sinabi ng tao na ‘yun kahit isa. So parang kami, ‘Ito ang nangyari sa kamay ko ganito ganyan. Kasi ‘yung kamay ni Diegs, sa gym talaga siya nangyari and ako mismo nagdala sa hospital sa kanya. So ang labo talaga. Sobrang na-trigger na ako,” ani Barbie. 

Diego Loyzaga, pinabulaanan ang mga akusasyon ni Xian Gaza tungkol kay Barbie Imperial

Hindi patas para kay Barbie ang pagbintangan ang kanyang boyfriend. 

“Kasi ang labo talaga na ipag-coconnect mo lang ‘yung photos tapos may ganito lang sa hand, may pasa. Bakit? Hindi ba ako pwedeng magkapasa sa ibang bagay? Bakit ‘yung boyfriend ko lang na sobrang mabuti, sobrang bait, sobrang tini-treat ako ng maayos. Bakit siya ‘yung paghihinalaan na ginawa niya ‘yun na akin?” aniya. 

Nilinaw naman ni Barbie na hindi sila naaapektuhan sa mga isyung ibinabato sa kanila. 

“So, kami ni Diego, hindi na kami naapektuhan. Hindi namin hinayaan na maapektuhan kami. Kasi totoo naman po. Masaya kami eh. And ‘yung family namin, sobrang sinusupport kami,” ani Barbie.

Diego Loyzaga admits courting Barbie Imperial

Bagama’t hindi pinangalanan, tinawag ni Barbie na “kawawa” ang taong nagpapakalat ng kung anu-anong tsismis tungkol sa kanila. 

“So, parang na-realize na lang namin na kawawa naman ‘yung taong sumisira sa atin. Parang ganu’n kalungkot ‘yung buhay niya para siraan kami at para idamay kami sa lungkot ng buhay niya,” ani Barbie. 

“Pero wala, nagta-thank you pa kami sa kanya kasi mas naging strong pa ‘yung relationship namin after nu’ng nangyari,” dagdag pa niya. 

Kung bakit hindi sila nagsalita kasunod ng pagputok ng isyu, ani Barbie: “Hindi na rin kami na-explain kasi parang ‘Bakit? Bakit kami mag-eexplain? Ano ka ba namin? Hindi ka naman namin nanay, hindi ka naman namin kaibigan o pamilya. ‘Yung mga close nga namin hindi humingi ng explanation, bakiit kami mag-eexplain sa’yo?’

Diego Loyzaga calls Barbie Imperial the ‘love of his life’ in sweet birthday post

“Hindi talaga ako nagsasalita kung about sa akin ‘yung issue. Pero, ‘pag tungkol sa mga taong mahal ko, hindi ko talaga hinahayaan. Lalo kung wala namang ginagawang masama ‘yung tao. 

“Naawa ako kay Diego kasi lahat ginagawa niya para sa akin. Tapos siya pa ‘yung napagbintanganng may ginagawang mali sa akin. Nagchi-cheat siya, ganito ganyan.  Hindi eh. Hindi ganoong klaseng tao si Diego. Hindi talaga,” ani Barbie. 

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na hinu-host ni Gary Ann Lastrilla at fini-feature ang pinakamalalaking stars sa bansa. Mapapanood  ito sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

Maliban sa PUSH Bets Live, may dalawa pang segments ang PUSH —PUSH Most Wanted at PUSH Extra Scoop—ang mayroon ding kanya-kanyang podcast versions. Mapapakinggan naman ito sa Spotify, Apple Music, at iba pang streaming platforms.