• Home
  • Fresh Scoops
  • Maiksi pero nakakaantig ang mensahe ni Angel Locsin para sa kanyang mother-in-law na nagdiwang ng kaarawan nitong Miyerkoles, Nobyembre 24.

Angel Locsin, may mensahe para sa kaarawan ng mother-in-law

Maiksi pero nakakaantig ang mensahe ni Angel Locsin para sa kanyang mother-in-law na nagdiwang ng kaarawan nitong Miyerkoles, Nobyembre 24.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/25/2021 09:12 AM
Angel Locsin, may mensahe para sa kaarawan ng mother-in-law
Photo credits to @therealangellocsin on Instagram

Maiksi pero nakakaantig ang mensahe ni Angel Locsin para sa kanyang mother-in-law na nagdiwang ng kaarawan nitong Miyerkoles, Nobyembre 24.

Sa Instagram, isang retrato ng kanyang biyenan ang ibinahagi ng aktres kasabay ng kanyang pagbati rito.

"You are proof that mother-in-laws are adorable and kind. Or ang swerte ko lang talaga. Happy birthday mother @jeanniejlo, love you!" ani Angel.


Bukod sa aktres, ibinahagi rin ng asawa ni Angel na si Neil Arce ang kanyang pagbati para sa ina.

"Happy birthday mother!" aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)

Marami naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa ina ni Neil, kabilang na sina Dimples Romana, Chito Miranda, Bianca Gonzalez, Eula Valdes, Joross Gamboa, at Adrian Alandy.

Hulyo nitong taon nang ikinasal sina Angel at Neil sa isang civil ceremony sa Taguig City.

Bago ang kanilang kasal, pinayuhan si Neil ng kanyang ina na palaging susundin at aalagaan si Angel upang maging masaya ang kanilang buhay mag-asawa.

"Ang advice ko lang, best thing, maging under ka. Sundin mo lahat ng gusto ni Angel para masaya kayo," aniya.

"Ikaw dapat ang mag-asikaso ng bahay. Ikaw dapat ang mag-asikaso kay Angel. Pag nagkaanak kayo, ikaw dapat ang mapuyat, hindi si Angel. As a wife, gusto mo maging masaya asawa mo, ipag-shopping mo."

Giit niya: "Happy wife, happy life."

BASAHIN: Neil Arce, dumepensa kay Angel Locsin matapos sabihang ‘no brain cells’ ng isang kawani ng gobyerno

Ayon pa sa ina, bago pa man na-engage si Neil kay Angel noong 2019 ay botong boto na siya sa aktres para sa kanyang anak.

"Kasi si Angel, napaka-down-to-earth talaga. Parang match kami," aniya. "Kaya nung nalaman ko na ikakasal na kayo, sabi ko, 'Finally!' ... Sobrang saya ko."