• Home
  • Fresh Scoops
  • Nilinaw din ng mga housemates mismo ang kanilang opinyon sa mga isyu.

‘Pinoy Big Brother’ naglabas ng pahayag kaugnay sa isyung harassment

Nilinaw din ng mga housemates mismo ang kanilang opinyon sa mga isyu.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

11/23/2021 03:52 PM
‘Pinoy Big Brother’ naglabas ng pahayag kaugnay sa isyung harassment

Naglabas ng pahayag ang programang Pinoy Big Brother matapos bumuhos ang hinaing ng mga netizens sa social media patungkol sa isyung harassment. 

Nitong nakaraang weekend, kumalat sa Twitter ang mga videos nina TJ Valderrama (35) at Shanaia Gomez (19) na kuha ng ilang netizens mula sa streaming app na Kumu kung saan napapanood via livestream ang nasabing programa 24/7. 

Sa nasabing mga videos, napansin ng ilang netizens ang tila pagiging close ni TJ kay Shanaia na nauuwi sa pisikal contact.


“Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman lalo na't kung ito ay may patunay. Ngunit mismong mga housemates na ang nagsabi na walang anumang nagaganap na ganito sa loob ng bahay,” pahayag ng PBB. 

 

 

Dagdag pa nito: “Nawa'y mas maging mapanuri at responsable ang lahat sa social media at wag manghusga lalo na kung hindi sapat at tama ang konteksto at impormasyon.” 

 

 

“Maganda ang magpakita ng appreciation sa isa't-isa. Gusto ko lang sabihin na kayo ay mga public figures. Kung kailangan mag-set ng boundaries, gawin niyo—Kuya,” pagpapatuloy pa nito. 

 

 

Binasa din ng host na si Toni Gonzaga ang nasabing pahayag sa programa na umere nitong Lunes, Nobyembre 22.

Sa nasabing episode, isa-isang kinausap ni Kuya ang mga housemates patungkol sa pagiging close nila sa kanilang mga kapwa housemate. 

Dito, napag-alaman na kumportable sina Anji Salvacion (19), Alexa Ilacad (21), at pati na si Shanaia kay TJ bilang kanilang Kuya. 

READ: Shanaia Gomez to be part ‘PBB: Kumunity Season 10’ as a celebrity housemate

Samantala, pinaalalahanan naman ni Big Brother na dapat maging maingat kung paano nila ipinapakita ang kanilang pagiging close sa isa’t-isa upang hindi ito malagyan ng kulay ng ibang tao. 

“Maganda ang pagpapakita ng appreciation at affection para sa isa’t isa. Gusto ko lang sabihin na kayo ay public figures,” ani Kuya. 

Dagdag pa niya: “Sana lang ay maging maingat kayo kung paano niyo pinapakita ang appreciation ninyo para sa isa’t isa. Dahil minsan, maaaring hindi ito naiintindihan, lalo na kung hindi nila alam ang buong konteksto nito.” 

READ: Shanaia Gomez dreams of working with Kathryn Bernardo: ‘She matured so elegantly’

Sa panguguna nina Samantha Bernardo at Jordan Andrews, nagkasundo naman ang mga housemates gumawa ng boundary sa isa’t-isa. 

“Tulad ng sinabi niyo, galing tayo sa pandemic, na walang touching, [mayroong] physical distancing,” paliwanag ni TJ. 

“And then we’re here, we’re all negative, we’re in one house, and family tayong lahat. Hindi mo mapigilang magpakita ng physical na affection,” dagdag pa nito. 

“Puwede rin na iba ‘yung tingin, iba ‘yung anggulo. Mukhang… Alam niyo na. Hindi natin mapigilan kasi ‘yung sinasabi ng iba. Hindi natin mapipigilan ‘yun,” pagpapatuloy pa niya. 

Paliwanag pa ni TJ, maaaring magka-ilangan na ang mga housemates dahil sa sitwasyon nila. 

READ: Actor TJ Valderrama joins ‘PBB’ Season 10

“Somehow, makaka-damage ‘to sa relationship natin dito sa house. Magkakailangan ‘yan, for sure,” ani TJ. 

“Eh ayaw din naman ni Kuya ‘yun, na mawala ‘yung relationship natin sa isa’t isa. So we have to find that sweet spot na parang sakto lang, pero hindi mawawala ‘yung love natin, affection natin sa isa’t isa,” saad pa niya. 

Matatandaang taong 2019 nang ma-evict ang dating housemate na si Banjo Dangalan dahil sa sunod-sunod na reklamo na natanggap nito mulasa mga babaeng housemates.