• Home
  • Fresh Scoops
  • Narito ang ilang mga artistang nagsimula sa showbiz sa pagsali ng reality shows.

Mga sikat na artistang nagsimula sa reality show | Pushpins

Narito ang ilang mga artistang nagsimula sa showbiz sa pagsali ng reality shows.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

11/23/2021 01:00 PM
Mga sikat na artistang nagsimula sa reality show | Pushpins
Photo credit to @sharlenesanpedro1, @erichgg, @samuelmilby, @yeng and @chinitaprincess Instagram

Ang pagsali sa isang reality show o talent search ay isang paraan para makilala sa entertainment industry, pero hindi ito ganoon kadali dahil kailangan muna mapatunayan ang husay ng talento at mag-standout sa libo-libong auditionees. 

Gaya na lamang ng mga artistang nagsimula sa reality shows. 

Sinu-sino sila?    


Let's find out.    

 

Erich Gonzales 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg)

Nagsimula ang showbiz career ni Erich Gonzales nang sumali ito sa reality-based talent competion na Star Circle Quest noong 2004, at kalaunan ay itinanghal na Grand Questor. 

Nabigyan ng iba't ibang proyekto si Erich gaya ng TV series na Katorse kung saan tumatak sa publiko ang roles nila ng ka-tandem na si Enchong Dee. 

Nagkaroon sya ng big screen debut noong 2010 sa movie na I Do, nasundan ito ng Suddenly It's Magic, at Siargao noong 2017. 

Ginampanan din niya ang lead role sa mga hit series gaya ng Magkaribal, Maria La Del Barrio, Be My Lady, The Blood Sisters, at ang recent project nito na La Vida Lena

 

Sharlene San Pedro 

Isa si Sharlene San Pedro sa unang batch ng Star Circle Quest: Kids Edition noong 2004. 

Naging parte si Sharlene ng comedy program na Goin Bulilit simula 2005 hanggang 2011. 

Sumabak din sa pag-arte si Sharlene sa mga teleserye gaya ng Mga Anghel na Walang Langit, Calla Lily, Princess Sarah, at Kung Fu Kids

Pinasok din niya ang hosting at pagiging VJ sa music channel na MYX. 

 

Kim Chiu 

Si Kim Chiu ang itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition 1 noong 2006. 

Unang ipinakita ni Kim ang kanyang galing sa pag-arte sa teleseryeng Sana Maulit Muli bilang si Poknat. 

Nasundan pa ito ng mga pelikula at teleserye gaya ng My Girl, Ina, Kapatid, Anak, Till My Heartaches End, at Bride For Rent. 

Kasalukuyang isa sa mga hosts ngayon si Kim sa Kapamilya noontime show na It's Showtime

 

Sam Milby 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sam Milby (@samuelmilby)

Sa loob ng Pinoy Big Brother house rin unang napanood ang aktor na si Sam Milby bilang isang housemate. 

Ang Maging Sino Ka Man noong 2006 ang kanyang acting debut, at nasundan pa ito ng iba gaya ng Dyesebel, You Are the One, Babe I love You, at The Third Party. 

He released albums and singles, including his self-titled debut album in 2006.  

Noong October 2008 ay ginanap ang kanyang first major solo concert na Sam Milby: Rockoustic Heartthrob. 

Samantala, ang seryeng Ang Sa Iyo ay Akin na natapos noong March 2021 ang huling ginawang proyekto ni Sam. 

 

Yeng Constantino 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Yeng Constantino (@yeng)

Ang singer-songwriter na si Yeng Constantino ang kauna-unahang Grand Star Dreamer ng reality show na Pinoy Dream Academy. 

Matapos ito ay nakapag-release si Yeng ng debut album titled Salamat, na naging biggest selling album ng kanyang career dahil sa 3x Platinum Record status nito.  

She also staged several concerts kasama na ang Yeng Constantino's Rock to School at ang digitally produced concert niya noong 2020 na Yeng 10

Naging judge rin si Yeng sa iba't ibang reality talent shows gaya ng We Love OPM, Pinoy Boyband Superstar, at Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime

 

Panoorin ang mga artistang ito sa episode na ito ng Pushpins.  

Anong masasabi niyo sa journey nila?